Ch. 23: Clash of Rainbows -part IV

185 12 2
                                    



Nathaniel Herrera


Tumalikod siya at walang paalam na umalis. Good. Matatahimik na rin ako rito. Umupo ako at nilabas ang Physics book ko, gagawa nalang ako ng assignment. Binuksan ko iyon saka tinitigan.


Bigla ko ring isinara ang libro.


Sinong bang niloloko ko? Hindi ako kailan man natahimik simula nang araw na makita kong nakaakbay si Rainbow kay Ishii, ayaw ko man, binubulabog ako ng masamang alaala na 'yon lalo na kapag nag-iisa lang ako.


Hindi ko alam kung sinong nag-initiate ng akbay pero kung sino man sa dalawa, nasaktan ako.

***

"Ang haggard mo Nathaniel, lunes na lunes." salubong ni Josh sa'kin pagpasok ko ng room.


Nilingon din tuloy ako nina Nikko at Steven. Tumayo pa si Nikko para tignan ng maayos ang mukha ko.


"Prend ang gabi ginagamit para sa pagpapahinga at pagtulog, anong ginawa mo sa gabi mo?" trinace niya ang eyebags ko. Tinampal ko ang kamay niya saka naupo sa upuan ko.


"Matutulog muna ako, inaantok ako. Wag kayong maingay parang awa niyo na, ha." pakiusap ko habang payuko sa desk ko. Iidlip muna ako dahil masakit ang noo ko. Maaga pa naman dahil may 30 minutes pa bago magflag ceremony.


Natapos ang 30 minutes at ginising nila ako. Wala sa wisyo na tumayo ako. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko, mas sumakit ata ang ulo ko sa ginawa kong pag-idlip, ah.


"Okay ka lang, Nathe?" tanong ni Caile nang makita ako.


"Ayos lang."


"Oh, baba na." utos niya sa'ming lahat. "Flag ceremony! Baba na lahat!"


Mabilis namang nagsilabas ang iba para bumaba sa multi-purpose hall. Kami kaming magkakaibigan ang nahuling lumabas at ako ang nasa likod nila. Pinili kong gumilid habang naglalakad dahil papikit-pikit ako, kung gigilid lang ako ay wala akong kahit sinong mabubunggo kahit wala sa daan ang atensyon ko.


Kumikirot talaga ang sentido ko, ayoko lang magsabi sa kanila hindi dahil sa mag-aalala sila— kasi asa naman akong mag-alala 'yang mga 'yan— pero kasi, pipilitin nila akong uminom ng gamot. Ayoko ng gamot. Pakiramdam ko kasi kapag lumulunok ako ng tableta ay babara iyon sa lalamunan ko at imbis na gumaling, baka mas mamatay pa ako.


Sandali akong tumigil, pinikit ko lang sandali ang mga mata ko. Sandali lang naman. Pero pagmulat ko ng mata, nakakita ako ng stars.


"Ouch." daing ko na sapo ang buong mukha gamit ang isang kamay ko dahil ang kabila ay agad na napakapit sa railing sa tabi ko, buti malapit sa akin iyon kung hindi ay babagsak ako agad-agad. 


Kasabay ng pag-atras ko ay may narinig akong kalabog. Nang magmulat ako ng mata para tignan ang sahig, may babae nang nakaplakda roon.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon