Ch. 13: Plan -part II

206 15 3
                                    


Mishiela Salvador


"Plan A failed."


Nanlumo ako nang sabihin ni Nathe iyon. Inilayo ko sa'kin ang sundae.


Bakit failed? Bakit? Maayos ang plano na 'yon sa isip ko at ni hindi ko naisip na magpi-fail iyon. Kaya bakit?


Siguro dahil kasama ko si Nathe.


Tama. Baka malas siya.


Tinignan ko siya at nakasilip pa rin siya kina Rainbow. Siguro naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sa'kin. Agad niya akong tinaasan ng kilay.


"I know what's playing on your mind. No, hindi ako ang may kasalanan."


"Mind-reader? Fortune teller?"


"None of both."


"So ano ka?"


"Taong nagmamahal ng Rainbow."


Tinaasan ko nalang siya ng kilay. May mali sa sinabi niya, hindi naman siya tao eh.


"Tss. What to do now? Wala akong back up plan. I thought it'll gonna work." napapabuntong hininga kong agot.


"Let me think." aniya at pinaningkitan ko siya ng mata.


"As if."


"As if what?" tanong niya na halos manlaki ang mga mata.


"As if you'll gonna think of something. Mas mababa pa ang IQ mo sa'kin eh." sagot ko para lang makapang-asar.


Of course that's a lie. Nasa section A nga siya eh while nasa B ako tapos I heard pa na he originally came from Einstein, eh pang matalinuhan ang building na 'yon. Pero kasi gusto ko siyang mapikon para matuwa naman ako.


He snorted. Hindi pinatulan ang pangangasar ko. Baka nag-iisip talaga ng plano. Maganda na rin 'yon para may maiambag naman siya. Binalingan ko na lang muna ang pagkain ko. 


Halos patapos na akong kumain pero ni hindi pa niya nagalaw ang pagkain niya maliban sa burger. Pasimple kong kinuha ang ice cream niya saka binawasan iyon. Wala pa namang laway dahil hindi pa niya nagalaw.


"Tama!" napapapitik sa hangin niyang sigaw. Sa gulat ko ay nailapag ko agad ang ice cream niya malapit sa pwesto niya. Naiwan pa sa bibig ko ang kutsarita. Tinignan niya ako. Hindi ko na tinanggal ang nasa bibig ko dahil kung gagalaw ako baka mahalata niyang ginalaw ko ang ice cream niya. Anong klaseng logic 'yon, Ishii? "Mag-isip tayo ng emergency."


"Hmm?"


"Mag-isip tayo ng emergency. Emergency na magiging reason para umuwi na sila teka, anong oras na?" Since ako ang may wrist watch sa aming dalawa, ako ang tumingin ng oras. 6:19pm. Iniumang ko sa kanya ang relos ko. May nakatambay na kutsarita sa bibig ko kaya hindi ako makapagsalita. "6:19? Anong pwedeng maging emergency sa ganitong oras?"

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon