Ch. 18: Hang-out

181 13 1
                                    


Mishiela Salvador


Saturday morning. Almost 10 am na pero hindi pa rin ako makabangon sa kama. Masakit ang katawan ko. Siguro dala ng pagod kahapon. I spent my whole day browsing on facebook and twitter. Mas tumagal ako sa fb, halos sunod sunod ang nakikita kong uploaded pictures mula kahapon.


Nag-upload din ng pictures si Rainbow pero hindi ko nalang sinilip. Sa unang mga pictures palang sina na ni Nathalie ang nandoon eh, baka mukha no'ng babaeng 'yon ang laman ng album niya.


Pinatay ko na lang ang laptop at natulog buong araw. Kinabukasan, Sunday, nagpunta kaming church nina mom and dad at kumain sa labas pagkatapos. After lunch ay umuwi na si daddy samantalang nagstroll pa kami ni mom. Bonding time.


Pumasok kami sa Roy & Gbiv, store kung saan ang mga gamit ay magkakasama depende sa kulay ng items. May isang area for red, isa for orange, yellow, at iba pa. Nagpaalam ako kay mom na titingin lang muna ng items.


Sa pagtingin-tingin ko ng mga gamit, tanging ang scarf lang ang nagustuhan ko kaya kumuha ako ng apat na kulay no'n. Orange, red, blue and violet. Paglabas ko ng store, si mom agad ang nilapitan ko. May kausap siyang kung sino. Isang babae at dalawang lalaki.


"Mom." kumapit ako sa braso niya saka tinignan kung sinong kausap niya. At halos manlaki ang mata ko nang makitang pamilyar sila sa akin, "O-Oh, Nikko!" napatingin ako sa katabi ni Nikko, "Joshua?... Ria!" nanlaki na ng tuluyan ang mata ko.


"Kilala mo sila baby?" takang tanong ni mom.


Napatingin ako kay mom saka tumango.


"They're my schoolmates." sagot ko saka humarap sa tatlo. "Nice seeing you here, anong ginagawa niyo dito?"


Si Nikko ang sumagot. "Hinihintay si Nathe, may binili siya sa store na 'yan." at nginuso ni Nikko ang store na pinanggalingan ko. "Diyan ka ba galing? Hindi mo ba siya nakita?"


Umiling lang ako. Maliit lang ang store pero hindi ko siya napansin. Baka nag-camouflage sa mga items, kakaiba pa naman ang mga suotan no'n.

Naramdaman ko ang kurot ni mom sa tagiliran ko, nilingon ko siya at bumulong siya sa'kin.


"Iyong kasama nila and ang Nathe na nasa kwento mo, iisa lang ba?" curious na tanong niya. 


Oh yes, gusto nga pala niyang makita si Nathe. Pasimple ko siyang tinanguan.


"Mom, tara na." biglang aya ko sa kanya saka humarap sa tatlo. "Mauna na kami, ha, nice bumping you all here. Bye."


"Agad, baby?" taka pang tanong ni mom kaya binalingan ko uli siya.


"Opo."


"Nagmamadali ka, Ishii? Papalabas na si Nathe oh." at nginuso ni Joshua ang entrance ng store. Si mom ang unang unang lumingon. And there, nandoon nga si Nathe na papalabas na. Nagulat pa siyang makita ako. Nagulat din naman ako.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon