Ch. 10: Girlfriend

313 17 0
                                    



Nathaniel Herrera


"Prend, nagpang-abot daw kayo ni Ishii sa hagdan, ah. True ba?" salubong na tanong ni Nikko sa'kin.


"Naiwan ka na rito nakasagap ka pa rin ng tsismis?"


"Pero totoo nga?" tanong naman ni Josh na tumabi sa'kin.


"Oo. Ano bang bago." kibit balikat kong sagot. Inabot ko ang bag ko saka inayos. 


Napansin kong tinignan nila ang buong braso ko, sunod leeg, saka mukha.


"Nasa'n?" tanong ni Josh kay Nikko.


"Alin?" tanong ko sa kanila.


"Sugat... pasa. Nasaan?"


Inambaan ko siya. "Ikaw ang papasaan ko dyan, Josh. Lumayo ka sa'kin." 


***

Rainbow Almeda updated his status


Natatarantang clinick ko ang notification nang makita ko iyon.


I was just looking at you from afar. It took me a big leap of faith to decide to approach you. And it's the best decision I've ever made.


Tinitigan ko ang post at binasang paulit-ulit. Sinusubukan kong i-decipher pero hindi ko pa rin makuha. Sinong tinitigan niya sa malayo? Sinong tinutukoy niya rito?


Matagal pa akong nag-isip bago maalalang kailangan ko na palang simulan ang pagmememorize ng piece ko para sa oration. Bukas kapag nakita ko si Rainbow, itatanong ko sa kanya iyon. Walang hiya hiya, wala naman ako no'n eh.

***

Umagang umaga. Complete attendance kami sa classroom, okay na sana kasi miminsan na lang mangyari 'to. Ang kaso mo, absent ang adviser namin. Dahil doon, tunganga kaming lahat ngayon.


"Caile, kailan nga ang fieldtrip?" tanong ni Steven sa pinakamasungit na bakla sa'min. 


Medyo nakakaloka na si Caile, mas madalas na kasi siyang masungit kaysa mabait. I bet dahil 'to doon sa dalawang transferee na si Aimee at Tamarra.


"First week of... October, I think. Hindi pa napa-finalize ang schedule dahil wala pang approval ng director. Maghintay nalang tayo."


Oh ta'mo. Walang kangiti-ngiti kung sagutin niya iyon. Unlike before na friendly approach pa ang gagawin niya.


"So wala pa rin destination?" follow-up question ni Josh. Syempre fieldtrip ang pinag-uusapan kaya buhay ang dugo namin dyan.


"Wala pa."


"Pero if ever, saan daw plano pumunta?" tanong naman ni Nikko.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon