Ch. 17: Friends

181 15 1
                                    


Mishiela Salvador


At 5 pm nakapagbanlaw na ako at nakapag-ayos ng gamit. Maaga pa dahil exact 7 pm kami aalis ng Subic. Bumalik na ako sa bus dala-dala lahat ng gamit ko, medyo nakaramdam ako ng kaunting inggit dahil ang mga kasabay kong students na papunta na rin sa parking space eh puro may mga kasabay. Sarili ko pa lang ang nakikita kong loner simula kaninang pagdating namin dito, buti na lang din at kasama ko si Nathe ng ilang oras kanina. May kasama ako kahit papaano.


Umakyat ako ng bus. Si Aimee ang katabi ko sa upuan at nandoon na siya sa pwesto niya sa tabi ng bintana nang pumasok ako. Medyo puno na rin ang bus. Puro nagkukulitan sila, parang kaming dalawa lang ng katabi ko ang tahimik.


Dahil sa hindi ko kaya ang lamig sa loob ng bus kaya nagdecide akong bumaba muna uli. Hindi ko alam kung babalik ba ako sa may beach o pupunta nalang sa duty free. I choose the latter. Pumunta akong duty free, doon ako sa chocolate section pumunta. Hindi ko hilig ang sweets pero mamimili na rin ako hindi para sa'kin kung hindi para kina mommy, daddy, pati sa ilang housemaids. At syempre, kay Rainbow. Tapos hahanap na rin ako ng souvenir shop.


Magandang pamatay oras.


Nagsimula na ako mamili ng chocolate.


"Hindi nga, Caile, what happened?"

"Stop me."

"Milliano what happened?"

"Wag ako, hindi ko rin naintindihan."

"Wag din ako, bigla bigla niyo akong iniwan."


Boses ng huling nagsalita ang nagpatigil sa'kin sa pagdampot ng choco chips.


"Wait, anong nangyari sa 30-minute rule. Nakaalis ka ba agad?"

"Paano ko malalaman eh wala naman akong orasan."

"Paano ka pala nakaalis?"


Sumilip ako sa kabilang rack and I saw Nathe with his gang.


"Uhm h-hinukay ko ang sarili ko." halos bulong niyang sagot sa tanong saka umabot ng isang dairy milk.


Hinukay ang sarili niya? Walang credits sa'kin? Not fair.


"Hinukay mo pala ang sarili mo? I thought you plead for my help para maialis ka sa buhangin kanina?" I smile as I show myself to them. Sabay sabay nila akong nilingon at isa isa ko silang tinignan.


Bading sila pero gwapo silang lahat, real talk. Pero maliban kay Nathe, napapangitan talaga ako sa kanya, eh.


"Wala sa usapan 'yon ah." si Josh, I think that's his name. 


Tinignan ako ng masama ni Nathe, parang sinasabing dapat hindi na ako nagsalita. Nailing na lang ako sa loob ko. Isa sa hindi ko maintindihan sa kanya, bakit nag-e-effort pa siyang samaan ako ng tingin eh alam naman niyang hindi niya ako masisindak diyan. Immune na ako, hello.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon