Ch. 2: Mishiela Salvador

1.8K 29 2
                                    


l 3rd year high school l


Mishiela Salvador


"Thelistine High?"


"Yes, baby. Sa Thelistine ka in-enroll ni daddy ngayong 3rd year mo." sagot ni mom na inabot mula sa kamay ko ang brochure na kanina lang ay ibinigay niya sa'kin. "Maganda dito, baby. Look at their facilities."


Doubtful na tinignan ko siya.


"Mom, hindi ako nagtake ng entrance exam nila dyan. How come na na-enroll niyo ako?" 


Kakabasa ko lang sa student's handbook na kasama ng brochure, required ang entrance exam sa kanila.


"Remember your tito Emilio? 'Yung papa ng playmate mo dati and close friend ni daddy? He's the school director kaya madali namin siyang napakiusapan na ma-enroll ka. 'Wag mo na isipin 'yan, at least doon ka na mag-aaral."


Malalim akong huminga at dumapa sa kama ko. Inabot ko 'yung isang care bear na teddy ko.


"Elite school ang Thelistine, mom. Feeling ko mas malala ang aabutin ko sa school na 'yan." 


I sigh deeply once again. Aware ako sa weird fashion sense ko at dahil doon kaya madalas akong mabully sa previous schools na napasukan ko. Tingin ko walang ipagkakaiba ang Thelistine.

***

June 08. Simula na ng junior year ko. And look, what else is new, bagong uniform na naman ang suot ko dahil bagong school na naman ang papasukan ko. Ilang buwan lang kaya ako tatagal? Sayang naman 'tong uniform kung hindi man lang 'to kukupas sa'kin. Ang cute pa naman. I think this is the cutest uniform I've ever worn. Bagay pa 'yung colorful bangles ko sa mocha colored uniform na 'to.

Not so excited for my first day, though.


Binaba ko ang ballpen after kong masulat ang first entry ko sa journal ngayong araw. Tinignan ko uli ang reflection ko sa salamin. Baby powder lang ang nilagay ko sa mukha ko. Nagsuot ako ng amethyst colored hairband at colorful bangles sa wrist ko. Nang makontento na ako sa ayos ko inabot ko ang rainbow colored back pack ko at bumaba na para magpahatid sa Thelistine.


Huminto ang driver namin sa tapat ng malaking gate ng Thelistine. Unang beses ko makaka face-to-face ang school na 'to dahil unang beses ko palang tatapak dito.


May mga napalingon agad sa'kin pagkababa ko palang ng kotse. Hindi iyon sa kadahilanang maganda ako kaya sila napapatingin, dahil iyon sa katotohanang mukha akong rainbow na tinubuan ng kamay at paa ngayon dito.


Pinaalis ko na ang driver namin at sandaling tinitigan ang gate bago ko nagdecide na tumawid sa kabila para sumabay sa mga students na nagsisipasok na rin.


Naexcite akong pumasok dahil mukhang malawak sa loob ng campus. Paano ba naman, hindi ko makita ang main building mula dito sa labas ng gate. Nakaka-attract din 'yong malawak na path walk na nasa likod ng gate.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon