Ch. 6: Clash of Rainbows -part II

513 20 4
                                    


Mishiela Salvador


Mabigat ang loob na bumalik ako sa room namin. Kung sino mang kumuha o nakakuha no'n, 'wag nalang sana nilang kainin, may gayuma 'yon na exclusively made for Rainbow.


Dalawang room nalang ang dadaanan ko at room na namin. Kasabay ng pagtapat ko sa pintuan ng room na madadaanan ko ang siyang paglabas ng isang kabayo— I mean, tao— mula sa loob ng room na 'yon. Sandali lang akong natigilan at dinaanan ng tingin si Nathe.


Nilampasan ko siya... para lang matigilan uli dahil sa bagay na itatapon niya sa basurahan.


Mabilis ko siyang binalikan.


"THAT'S MINE!" sigaw ko na napaturo sa hawak niya.


"Huh?" takang tanong niya.


Nagpalipat lipat ang tingin ko sa box na tinapon niya sa basurahan at sa kanya. Parang stupid na ginaya niya rin ako, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa tinapon niya.


Biglang kumulo ang dugo ko kasabay ng pagkulo ng tiyan ko.


"Tinitingin-tingin mo ba?" maangas pa niyang tanong na akala mo hindi bakla.


Pinakatitigan ko ang mukha niya... may mumu pa sa gilid ng labi niya at kulay pink ang ngipin niya. Kulay 'yon ng frosting ko eh.


"YOU ATE MY CUPCAKES! I hate you!" 


Tili ko at kinuha sa basurahan ang box na tinapon niya saka isinuot iyon sa ulo niya! Mabilis siyang kumilos para alisin iyon pero pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya para hindi niya maalis iyon!


Dahil doon ay nagkagulo kaming dalawa.


"Heeeeelp! Heeeeeeelp! Damn you, people! Pigilan niyo nga 'toooooo!"


Sigaw niya nang pinagpupukpok ko siya sa ulo. Sumasakit na ang kamay ko pero bago ko siya tigilan sisiguraduhin ko munang mas sasakit ang ulo niya. Sana magkabukol pa!


"Stop it! Stoooop! Stop it! Ano ba 'yung glasses ko! Ouch! Awww!"


Sa hindi malamang dahilan, naabot niya ang buhok ko, hinila niya 'yon ng malakas.


"Aaaawwww!!"


Kinalmot ko siya dahil doon. Pero makunat ang mukha niya, nabalian ako ng kuko. Mas nanggigil ako.


Kukurutin ko sana ang mukha niya pero may epal na humawak sa braso ko at nilayo ako kay Nathe. Kung sa ibang pagkakataon, aayawan kong madikit ni mapalapit sa kanya pero iba ang situation ngayon... gusto ko siyang malapitan nang mabalatan.


"Ishii, Ishii. Tama na! Oy, Nathe, tigil na!" sigaw ng kung sino. Sandali lang akong nahimasmasan at napatingin sa paligid.


May iilang estudyanteng nakapalibot sa'min. Tinignan ko kung sinong may hawak sa'kin. Isa sa mga kaibigan nitong kabayong plano kong balatan ang mukha. Tinignan ko kung sinong nagsasalita at para akong naputulan ng dila dahil si Caile pala iyon. Ang student council president.


Napatingin ako kay Nathe nang pilit niya akong abutin para sipain. Kita mo, kabayo talaga.


"Nathaniel, tama na nga!" maawtoridad na sigaw ni Caile sa kanya.


Bigla niya akong tinuro, "Nauna siya! Tahimik akong nagtatapon ng basura dahil mabait ako tapos siya biglang lumapit at tumingin sa'kin. Tapos 'yong tinapon ko kinuha niya para itapon sa mukha ko." at sa namumulang mukha ay binalingan niya ang may hawak sa kanya, "Joshua, bitawan mo 'ko. Pagantihin mo muna ako sa baliw na 'yan, letse!" sigaw niyang idinuro ako.


Sinubukan niya uli akong abutin para sipain at nakadaplis na siya sa'kin kaya na-trigger ako at sinubukan ding gumanti, mabilis nila kaming inawat pero hindi kami nagpapigil.


"Sinasabotahe mo kasi move ko eh! Why don't you make your own move?!" sigaw ko sa kanya.


"And what are you talking about?!"


"Maang-mangan ka pa? Maang-maanga pa eh nasa ngipin mo pa ang ebidensiya!"


"Taragis, hindi talaga kayo papapigil ha!" huling sigaw na narinig ko bago ako makakita ng stars.


How?


Tinulak bigla ni Caile si Nathe papunta sa'kin, dapat iiwas ako pero 'yung tao sa likod ko tinulak din ako papunta kay Nathe.


Ayon nagclash kami, kaya nagka-stars.

___________________________

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon