Ch. 12: Plan -part I

256 12 2
                                    


Nathaniel Herrera


Isang babaeng may bandana sa mukha at isang baklang may shades at cap ang magkasama ngayong naglalakad sa mall. I wonder kung anong tingin sa'min ng mga tao ngayon. Kung hindi lang sa suot ni Ishii na Thelistine High uniform, nunca makapag ikot pa kami ngayon dito sa loob ng mall, baka kanina pa kami dinampot ng guards at sinipa palabas.


Sa hindi malamang dahilan, sabay naming sinusundan sina Nathalie at Rainbow. None of those spoken words, basta nalang sumunod sakin si Ishii nang lumabas ako ng bookstore dahil lumabas na rin ang dalawa. Akala ko lalayo siya pagkalabas at gagawa ng sarili niyang pagsunod pero sumunod lang sya sakin, hindi nalang ako nagsalita.


"Where are they going?" tanong niya maya-maya nang may sa bente minutos na kaming sumusunod.


Bakit ganon? Sa palabas, kapag sumusunod ang stalker parang madali lang, bakit sa totoong buhay hindi?


"Sino bang tinatanong mo, ako o ang sarili mo?Woi!mabilis ko siyang hinila sa isang tabi dahil biglang lumingon si Nathalie sa likod niya.


Nanuyo ang lalamunan ko bigla. Wala namang nakapagsabi sa'king nakakaubos-lakas pala ang pag-i stalk.


"I'm tired..." mahinang bulong ni Ishii. Nang lingunin ko siya ay nakasalampak na siya sa sahig at malayo na ang tingin niya.


"So am I." napasalampak na lang din ako. Sumandal kami sa malaking paso ng halaman, wala naman sigurong sisita sa'min dito, ano?


"What's your plan?" maya-mayang tanong niya dahilan para mapalingon na naman ako sa kanya.


Huh? Plan?


Nang hindi ako sumagot agad ay lumingon siya sa'kin.


"Plan?" tanong pa niya, nangunot lang ang noo ko. "Wait. Wala kang plano?"


Umiling lang ako. "Plano para saan?"


"So you mean, sinundan mo sila nang walang plano?" mangha niyang tanong.


"Ano bang ibig mong sabihin? Iyon na ang plano ko, ang sundan sila."


"You, stupid." nakangiwi aniya.


Aambaan ko sana siya ng batok pero napatigil ako nang maalala kong wala kami sa Thelistine. Maraming tao dito, nakakahiya. Ibinaba ko nalang ang braso ko.


Huminga ako ng malalim, "Ikaw ba may plano?" she nodded proudly. "Ano?"


"You're an enemy. Bakit ko sasabihin sa'yo?"


I almost rolled my eyes. "Duh. Sa oras na 'to, si Nathalie ang enemy."

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon