Ch. 28: Effect

185 13 0
                                    



Nathaniel Herrera


Saturday morning. Nagising ako dahil sa mahinang sipa sa balakang ko.


"Nathan, nandyan si Caile." boses ni mom. Dumapa ako at sinubsob ang mukha ko sa unan. Malamig saka inaantok pa ako. Istorbo. "Bahala ka nga..."


Hinatak uli ako ng antok. Pero maya-maya pa'y tuluyan nang nagising ang diwa ko dahil si Caile na ang nasa kwarto ko at nagbabanta.


"Caileeeeee! Ang malas ko't naging kapitbahay kita!" hiyaw ko habang ginugulo ang buhok ko. Hindi ko alam kung gaanong ka-disoriented ang mukha, ayoko nang alamin.


"I'm bored. Inaasar lang ako ni ate Chelsea sa bahay, kaya nangapit-bahay nalang ako. Tara sa linear." aya niya na ang tinutukoy ay ang park dito sa village.


Mas nalukot ang mukha ko. "Walang ganyanan, Caile. 8am pa lang. Madaling-araw pa lang sa body clock ko."


Humiga uli ako. Kapag nakatulog uli ako, baka siya na rin ang magkusang umalis.


Pero hindi siya umalis and instead hinatak niya ang braso ko para mapaupo uli ako. "Irireset natin 'yang body clock mo. Tayo na!" bigla niya akong bitinawan kaya bigla rin akong bumagsak sa kama. Nagising na ang dugo ko dahil doon, nakakayamot.


Inopen niya ang ventilation blinds kaya pumasok ang liwanag sa kwarto ko. Sandali akong napapikit sa silaw saka kinusot-kusot ang mata ko. Napilitan na akong bumangon.


"May tao na pala sa katabing bahay niyo?" maya-mayang tanong niya habang nakasilip sa bintana. 


Taka akong tumayo para makisilip.


Oo nga, may tao na, bukas ang mga bintana eh.


"Baka may lumipat na? I don't know, teka maliligo lang ako." paalam ko saglit saka dumiretso sa banyo para maligo.


Matapos ay nagsuot ako ng yellow shirt at maong na shorts. Matino akong tignan ngayon, hindi mukhang nadampot sa ukay-ukay.


"Nag-almusal ka na?" tanong ko sa kanya habang nagpupulbo ng mukha.


"Yes. Sa baba muna ako, bilisan mo lang kung kakain ka pa, ah."


Nauna siyang bumaba. Sumunod naman ako maya-maya pero sa kusina muna ako dumiretso para kumain.


"Nathan, iabot mo 'to sa kabilang bahay. May bagong lipat ata dyan ngayon." utos ni mama pagkatapos kong kumain. Inabot niya sa'kin ang isang tupperware na hindi ko alam ang laman.


"Hindi na mababakante 'yung bahay na 'yon?" tanong ko. Sana hindi na, ang creepy kasi ng bahay na 'yon lalo na kapag gabi. Sumakto pang doon nakaharap ang bintana ng kwarto ko.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon