Chapter 28

3.8K 95 14
                                    

Glaiza's POV

"So anong masasabi niyo sa dami nang taong nandirito ngayon sa Premiere Night nang movie niyo? Halos magiba ang mall na ito."

"Really I have nothing to say, kahit ako nagulat. We didn't expect anything and especially this much. Maraming-marami pong salamat." I said.

"Salamat sa lahat nang sumusuporta. Sana panuorin niyo ang movie guys. Maganda siya promise." Wade said and chuckled.

"Pero mas maganda yung katabi ko." He said and winked.

"You guys are really comfortable huh?"

"Yes we are. We have to go. Thank you so much everyone!" Wade ended.

Siksikan ang mga tao at hindi halos makita ang dadaanan namin palabas nang mall.

Kakatapos lang nang Primiere Night nang 'I might be the One'. At grabe! I didn't expect na ganyan karami ang naghihintay saamin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Wade nang maupo nakami sa van niya.

"Oo naman. Ang dami lang tao. Sana talaga maraming manuod bukas." Sagot ko sakanya.

"Sana... At mukhang marami naman."

Hindi na ako sumagot at inihilig ko na ang ulo sa upuan. Ngayon ay paniguradong mararamdaman ko na ang pagod. Muntik pa kami hindi makahabol sa pinromote na showing date. Kaya wala kaming tulugan at sagaran sa trabaho sa mga nakaraang araw.

May halos isang daang blockscreenings ang nag-invite saamin at halos fansclub ni Wade. Pero ang sabi ni Gina, kung kailan lang daw namin kaya pero sana daw mapuntahan namin as possible since this is our first movie together.

Maya-maya pa naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya minulat ko ang mata ko. Nakita ko si Wade na minamasahe ang palad ko.

Gustong-gusto ko pag ginagawa niya ito. Kung iisipin anong magagawa nang pagmasahe niya di ba? Pero may kakaiba sa ginagawa niya na parang buong katawan mo na ang napapahinga at unti-unti kang nagiging comfortable sa situation.

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at hiniga ko na ang ulo ko sa balikat nito.

Chynna's POV

Nasa shot gun seat ako nang van. Ayos din eh no? Parang close lang kami ni Manong Driver.

Pero hindi talaga yun ang issue kung bakit sumingit ako sa POV. LOL.

Kanina ko pa nakikita mula sa salamin sina Glaiza at Wade. Kung hindi ko alam na nagpapanggap lang sila ay marahil iisipin kong may namamagitan sakanila. Never kong nakita si Glaiza na naging ganyan ka-comfortable sa lalaki.

To know Glaiza, matigas yan at minsan siga pa sa mga lalaki. Pero pag kasama niya si Wade, para siyang makahiya na tumitiklop rito. Bibihira ko nadin marinig ang pangalan ni Rhian na nagmumula sa bibig nito.

Marahil nga masyado na siyang nafofocus sa trabaho at sa pangarap nito. Nakwento din naman saakin ni Glaiza kung ano ang naging usapan nila nang girlfriend nito.

Negatibo man unang pumasok sa isipan ko nang malaman ko ito, pero ano namang magagawa ko? Kung yun ang naging desisyon nila. Saka marami nadin silang napagdaanan at saksi ako kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Or atleast, gaano kamahal ni Glai si Rhi.


Maging ako ay wala nang narinig mula kay Rhian at kung ano na ang ginagawa nito. Ilang linggo nadin ang nakakalipas mula nang bumalik ito sa Las Vegas.

Nasanay na ako na palaging minamasahe ni Wade ang palad ni Glaiza pero ang kinagulat ko nang ipinatong nito ang ulo niya sa balikat nang lalaki. Siguro ganoon na siya ka comfortable.


*Ringggggggg*

"Hello. Chynna's speaking, who is this?" I greeted.

"Ang epal naman. Di ka ba tumitingin nang pangalan sa screen nang phone mo?" She replied.

"Ohh Gina, bakit ka napatawag?" I asked.

"Direk Maine asked me to tell you that we have a reserved dinner. I'll send you the address. Doon kayo tumuloy." She said.

I agreed and then received the address.

Powerful is Love ( RASTRO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon