Chapter 1

11.6K 204 20
                                    

Welcome to Ninoy-Aquino International Airport. American Airlines is so happy to be with your flight. We hope you enjoyed it with us!

Narito na ako, nakabalik nako sa Pilipinas matapos ang tatlong taon.

"Hoy! Andito na tayo Rhi." Kalabit saakin ni Joel. Tumango lang ako sakanya habang nilalagay ang cap at jacket ko.

Hindi naman ako nag eexpect na makikilala pa nila ako. Oo, naging artista ako. Pero matapos ang tatlong taon sana kasabay noon ang paglipas nang init ng mga issue tungkol saamin Glai.

Naramdaman kong umakbay saakin si Joel, "Kaya yan Rhi. Wag kang matakot. Alalahanin mo tatlong buwan lang tayo dito. Confidence lang. Wala namang may alam na babalik ka sa Pinas." Aniya.

Halos di ako makahabang nang nasa exit door nakami ni Joel. Di pa talaga ako sigurado sa pagbalik. Bwiset kasi tong si Joel eh, may car racer exhibit sa Tagatay tapos sinama sama pa ako.

Paglabas naming agad niya akong sinakay sa isang kotse.

"Nakaready naman lahat, na prepare ko. Kaya wag kang mag alala. Gusto ko lang naman andun ka during sa exhibit. Yun lang Rhi, ibigay mo na saakin."

Ngumiti nalang ako sakanya. Siya ang nakasama ko sa Las Vegas. Siya ang tumulong saakin sa lahat ng bagay, kaya hindi rin ako maktanggi sakanya. He gave too much to me, at napaka liit lang na bagay ito para hindi ko pa siya pagbigyan. After all, napaka habang panahon na ang nakalipas. Marami nang mga nangyari at balita ko okay nadin naman siya.



Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse. Walang nagbago dito sa Manila. Traffic issues ay nariyan padin. Mga naglalakihang mga buildings at corporations. Namiss ko ang lugar na to. Pero hindi na dito ang buhay ko...

Napasinghap ako nang nakita ko ang isang building na may nakalagay sa taas na "GMA"

"Rhi, andito lang ako." Nagulat ako sa biglang sabi ni Joel. Kilalang kilala na niya ako... Yumuko nalang ako kaya hindi ko namalayan na isang Executive hotel building nakami.

Pagbaba palang namin ay may sumalubong nang dalawang lalaki saamin na kumuha nang bagahe at may binigay na card kay Joel, I'm sure para sa room yon.

Habang naglalakad kami nang may narinig akong familiar na boses...

Powerful is Love ( RASTRO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon