Chapter 51

402 25 17
                                    

Rhian's POV

Heart is heavy, eyes are heavy. What should I do?
Things keep running through my mind as I realized a weight pressing towards my body. I opened my eyes to see her...

What is she doing? Why is she here? Alam ko lang kagabi umiiyak ako and that's it.
I felt that she moved kaya pinikit ko ang mga mata ko.

"Good morning, I know you're awake." She said and pulled me closer. I was about to push her but...

"Rhian, I'm here as your friend. Nothing more. And you know I will always be here for you no matter what, right?"

I moved a little farther kasi I'm uncomfortable.

"I know, thank you. Paano ka pala naka pasok dito?" I asked as I sit down on the bed.

"Hmm, I wanted to talk to you lastnight... " She started habang tumatayo siya sa bed.

"But then I heard you sobbing. I don't even know why. And I know it's bad to be intrusive. Pero kasi I just wanna make sure you are okay." She said casually.

Narinig niya ba? Did she hear me being dumped? I hope not. I really hope not.

Bago pako nakapagsalita ay kumatok na si Faye upang ayain ako kumain. Ngunit laking gulat nitong makita ang ate niya, pero hindi narin niya ito pinansin. At pakunwari ay hindi ito nabalisa.

Agad na akong nag ayos dahil alam kong mahihintay ang buong pamilya sa ibaba. Nakasanayan nila na sabay sabay silang kumain.

Simple lang ang almusal, tinapa at itlog na maalat. Meron bagoong, kamatis, sibuyas at mangga. Kung hindi ako magkakamali ay ensalada ang tawag dito.

Naging normal lang ang agahan tulad nang kumustahan at ano ang mga balak gawin sa araw na ito. Ako naman ay nagsabi na uuwi na dahil baka naghintay si Joel sakin. Pero kahit na ang totoo ay wala naman ito. Ayoko nalang magstay dito sa ngayon, kailangan kong mapagisa. Ayokong mag panggap na okay ang lahat kahit na hindi naman.

Nagpaalam nako kina Tita at Faye pero di ko na nakita si Glaiza. Ayoko nadin munang magpakita sakaniya. Ewan ko, pero siguro ito ung tamang gawin sa kabila nang nangyari samin ni Scarlet.

Nakauwi ako sa condo at nagulat nang makita si Joel.

"I thought hindi ka magsstay dito?" I asked.

"Scarlet told me." He simply replied with a sad smile.

And it hurts me, it pains me. She still cares kahit na ganon ang nangyari samin.

"Are you okay?" He asked.

I nodded instead. Kasi sa panahon na ito, walang kahit isang luha ang gustong kumawala. Oo, masakit. Oo, malungkot.

One week later...

Glaiza's POV

"Anak akala ko ba ay aalis ka pagkatapos nang bakasyon?"

"Ma, I resigned." Sabi ko rito nang may ngiti sa labi ko.
"What? Why?" Mom asked.

"I've never been this happy." and then I hugged her.

I have never been this happy in my life. Never felt this liberating ever. That past one week has been hell, all the works laid out for me are haunting me. My manager on the other hand understood everything and said I could take all the 'break'  I needed. But I said, I need my life. And she get it.

Dinahilan na lamang nito ang indefinite leave pero alam nitong hindi na ako babalik sa showbiz. And yes, I had to pay all the required expenses sa mga hindi ko na meet na guestings, soap operas, etc. but that's okay, na expect ko na yan...

Powerful is Love ( RASTRO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon