Chapter 33

1.9K 43 41
                                    

"Aga natin ah" bati ni Tina kay Julie ng nakita niya itong pumasok sa opisina nila na may bitbit na kape mula sa isang sikat na coffee shop.

"Marami kasing dapat ayusin" sagot nito sabay lapag ng kape sa table ni Tina. "Kape mo, Good morning btw" bati niya habang nakangiti.

"Perk of having a super rich partner/friend. Salamat dito." Pasasalamat niya sabay simsim sa kape "Good morning din!"

"Sira! Magtrabaho ka na dyan." At sabay silang tumawa.

"Tinatapos ko 'tong kontrata para sa E.M. Papacheck ko to sayo mamaya ha" basag ni Tina sa katahimikan pag katapos ng ilang minutong pag kasubsub nila sa trabaho.

"Ok na yan. Print mo na lang pagkatapos para ma-approvahan na ni Miss Valdez ng mapermahan na rin ni Chairman at Mr. Richards at ng mapresent na natin sa taga E.M." Pahayag niya dahil may tiwala naman siya sa partner niya.

"No. Kailangan mong e check muna bago ko to ipasa nu. Kung approved sayo, edi approved na rin sa kanila. Anak ba naman ng may-ari ang nag approved. The soon-to-be owner of "JAPS" Miss Julie Anne San Jose, bagay na bagay." Pag mamayabang ni Tina.

"Sira! I will never ever run this company Tin. I'm not capable of." Rason ng dalaga.

"Alam mo Jules, sayang ka eh. Andun ka na oh" sabay alsa ng kanang kamay nito lampas pa sa ulo niya "pero ang gusto mo, dito lang oh" habang binababa ang kamay niya sa ilalim "sa baba lang, yung simple lang, yung walang nakaka-alam. You know if I were in your position, I'll shout it to the whole building. Yang sina Mich na yang sa putikan sila pupulutin, inis na inis talaga ako sa kanila eh." Pahayag niya habang nanggigigil.

"Sira ka talaga Tina, dami mong alam. Taposin mo na kaya yan ng matingnan ko na."

"Paki-check mo na po madam." 30minuto pagkatapos nilang mag-usap ay natapos na rin ni Tina ang kontrata. Nilapag niya ito sa lamesa ni Julie para ipa-check.

"Ok na to Tin. After you pass this, kindly set a date for the contract signing and contact the E.M."

"Yes madam!" Sabay salot ni Tina.

"Sira ka talaga"

"Alam mo Jules ang wierd ng mga taga E.M nu. Pansin mo rin ba?" Biglang singit nito.

Sandaling tinignan ni Julie ang kaibigan bago sumagot "parang hindi naman"

"Ang weird kaya nila bago ka dumating, mas lalo na nong pag-alis mo" paliwanag niya.

"Alam mo Tin, ikaw ang weird" tawa ni Julie.

"Grabe naman to! Iniisip ko lang kasi na baka mahirapan tayong makatrabaho sila dahil alam mo na 'WEIRD'." She qouted.

"Ba't di muna natin sila kilalanin bago ka mag isip ng kung ano-ano dyan."

"AHA!" Biglang sigaw ni Tina na siyang kinagulat ni Julie. "Ba't di tayo mag-organize ng isang activity para mas lalo natin silang makilala" suhesyon niya.

"Team building?" Patanong na sagot ni Julie

"Team building!" Sagot ni Tina sabay taas baba ng kilay.

"0kay! I'll suggest it to Miss Valdez"

"Yes!" Pasigaw niyang sabi sabay pumalakpak habang naglalakad pabalik sa table niya.

Napangiti na lang si Julie sa pagka-excite ni Tina, di niya alam kung na weirdohan ba talaga ang kaibigan sa mga taga E.M o palusot niyang upang makatakas sa trabaho at makapa-relax kahit sandali lang. Napa-iling na lang siya. "Not bad" bulong niya sa sarili.

Naipasa na ni Tina ang natapos na kontrata sa boss nila kasabay nito ang request letter na ginawa ni Julie para sa team building. Agad namang inapprovahan ni Miss Valdez ang kontrata. Pinasa na rin niya ito sa Chairman for review and signature, ang request naman nila ay pending pa kasi kailangan rin itong approvahan nga Chairman para ma e-release ng accounting ang budget na kailangan nila para sa team building.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU'LL ALWAYS HAVE MY HEART (DAYS TO FOREVER BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon