Chapter 16

1.7K 22 7
                                    

Maqui is driving on her way to her favorite resto to meet her cousin for their regular sunday dinner when her phone rang. She's trying to reach her bag na nasa front seat to answer the call. Sandaling nawala ang paningin nito sa kalsada para makuha ang cellphone sa bag niya, ng napa baling siya ulit sa kalsada, nagulat ito ng may sasakyan na pala sa unahan niya. Napapikit nalang ito at mabilis na tinapakan ang preno pero naramdaman niya na bumangga parin ang kotse niya.

"OH MY GAD.!" Bulaslas nito sa sarili at saka bumaba ng kotse.

Sa harapang kotse naman ay may bumabang isang lalaki na ka-edad niya lang at kahit naka shade halata parin sa mukha nito ang inis ng makita ang gasgas sa likuran ng kotse niya.

Inis na hinarap ng lalaki si Maqui pero nawala rin ang kunot ng nuo niya ng masilayan ang mukha ng dalaga at napa ngiti ito.

"I'm really, really sorry.!" Paumanhin ni Maqui.

Agad na tinanggal ng lalaki ang kanyang shade "miss hindi maaayos ng sorry mo ang sira ng sasakyan ko"

"I'll have it fix" sabi ni Maqui na may kinuha sa loob ng kotse niya "just call this number para maasyos natin yun sira sa sasakyan mo"

Kinuha naman nito ang calling card na inabot ng dalaga. "Maggie.. Nice name" nakangiting basa nito sa calling card.

Napataas kilay naman si Maqui sa sinabi ng lalaki "excuse me.?"

"Thanks for this" sabi niya habang tinaas ang calling card "ano nalang kaya ang sasabihin ng ka date ko kung makita niya na may yupi ang kotse ko.?" Parinig nito sa dalaga.

"Alam mo ba miss na pinaghandaan ko 'tong araw na to dahil nagpapa-impress ako sa babae pero sinira mo na diskarte ko"Mayabang na pahayag nito.

Nainis naman si Maqui sa kausap. "I said I'm sorry okay. . . Hindi rin lang naman ikaw ang may importanteng lakad ngayon eh. . . At kung pro-problemahin ng ka date mo yang sira ng kotse mo eh iwan mo na kasi mukhang mas interesado siya sa kotse mo kisa sayo. .  .  And mister whatever-"

"It's Niño" putol nito.

"Okay Mr. Niño. . . Tawagan mo nalang ako para maisa-ayos natin yang kotse mo" mataray na sabi ni Maqui at dali daling pumasok sa kotse niya para umalis.

Nakangiti namang pinagmasdan ni Niño ang dalaga hanggang maka alis na ito. "and nice meeting you Ms. Maggie" sabi nito sa sarili.

''''''

"Anong nangyari sayo.?" Tanong ni Julie sa pinsan ng makitang magkasalubong ang kilay niya ng pumasok ng restaurant.

"That stupid Jerk" inis na nilagay ni Maq ang kanyang bag sa lamesa.

"Caz kalma lang, ang puso mo" saway nito sa pinsan "anong problema.?"

"May na bangga kasi akong kotse kanina"

Nagulat si Julie "Oh my gad.! Are you okay.?" Pag-aalala niya.

"I'm fine. . . Nagasgasan lang naman ng konte yung kotse niya"

"Yun naman pala, eh ano ang kina-iinit ng ulo mo dyan.?"

"Ang yabang kasi. . . Akalain mo pino-problema ba naman niya kung ano ang sasabihin ng ka date niya dahil my yupi yun kotse niya. . . Ang yabang talaga. . . Akala mo kung sinong gwapo" sunod-sunod na bulaslas ni Maqui.

Natawa nalang si Julie "ang tanong eh, gwapo ba.?"

Tumango nalang si Maqui dahil totoo naman, gwapo yung Niño na yun pero mayabang lang talaga.  At dahil dun ay natawa ang dalaga.

''''''''''

"Anong nangyari sa kotse mo.?" Tanong ni Elmo habang nagdi-drive ang kaibigan. Sinundo siya ni Niño sa Airport matapos ang successful na business trip niya sa San Francisco.

YOU'LL ALWAYS HAVE MY HEART (DAYS TO FOREVER BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon