Chapter 20

1.7K 27 4
                                    

“Tina? Karl?” sabi ni Patrick na tila bang ngayon nya lang napansin ang dalawa.

“I think this is awkward, but it feels like that we shouldn’t be here” tukoy ni Tina sa kanila ni Karl pero ni isa walang sumagot.

“ah… nakita ko kasi na hinila nyo si Julie papunta dito kaya akala ko-“ hindi na natapo ng dalaga ang nais sabihin dahil sa mga matang nakatingin sa kanila na para bang hindi sila dapat nandito.

“sige. Aalis na lang ni Karl” sabi nya sabay hila sa binata.

“Tina” pigil sa kanila ni Julie “it’s okay” nakangiting sabi ng dalaga.

Agad namang umupo ang dalawa sa tabi ni Julie.

“anong ginagawa natin dito?” bulong niya kay Julie.

Mahina namang natawa ang dalaga.

“Maghihintay lang tayo dito hanggang sa umalis ang mga paparazzi” si Patrick na ang sumagot sa tanong ni Tina.

Marami pa sanang tanong ang dalaga ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang medyo may edad na lalaki at may kasamang dalawa pang guards.

“Tito” patayong bati ni Maqui sabay beso.

Tumayo rin si Julie “Tito” bati rin niya sabay beso.

“Are you two okay?” nag-aalalang tanong niya.

“Yes” sagot ni Maqui at tumango naman si Julie.

“I’m really sorry for what happened” he apologized at agad tiningnan ang mga security.

“I’ll have a word with all of you later” galit na sabi nito sabay sinyas na lumabas sila at sunod-sunod na nagsilabasan ang mga security sa loob.

“The chairman will be here any minute now” si Maqui.

“I hope he wouldn’t take this in a wrong way” sagot ni Rodrigo sabay baling kay Julie. But Julie just smile. Knowing her dad, he must be upset now especially when it comes to her safety.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto.

“Chairman” si Patrick.

“Tito” si Maqui.

“Leo” si Rodrigo.

“Chairman?” sabay na sabi nina Tina at Karl na napatayo sa kina-uupuan dahil sa pagkabigla.

Napatayo rin si Julie. lumapit ito sa ama at yumakap. Nanlaki naman ang mata nina Tina at Karl sa nakita at mas kinagulat nila ang sunod na narinig.

“Dad”

“Are you okay?” yakap rin ng chairman sa anak.

YOU'LL ALWAYS HAVE MY HEART (DAYS TO FOREVER BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon