Chapter 26 (part2)

1.5K 35 10
                                        

Author's Note: Sorry it's kinda late.. really busy..

.

.

.

Monday

(Day of the Presentation)

Lahat ng trainee ay nagtipon sa conference room para panoorin ang na nalong grupo.

Naghahanda ang grupo ni Julie sa gitna ng lapitan sila ni Mich.

“oh saan lansangan niyo naman ginawa yun presentation niyo? I think it’s all crap” pang-iinsulto nito.

“you know what Mich? Wala kang pakialam so pls just back off” matapang na sagot ni Jane.

“aba! nanalo lang maging matapang na ang four eyes na ito, hindi na ako magtataka kung sa susunod na araw ay maging malandi ka na at ang chairman na yung nilalandi mo tulad ng iba dyan” pahayag ni Mich sabay tingin kay Julie, at dahil narin sa sinabing yun ni Mich ay nakuha niya ang atensyon ng karamihan sa kasama.

“anong sabi mo?” sugod ni Olivia kay Mich.

“oh Liv, I think you heard me. Grabe! . . the last time I checked, you were against Julie and also you Jane, but now the table turns. Ano ba ang ginawa niya para kumampi kayo sa kanya.?”

Natahimik nalang si Olivia at Jane, noon kasi ay isa rin sila sa nagsimula ng chismis tungkol kay Julie.

“come'on! Look at her guyz” sigaw ni Mich sa mga kasama sabay turo kay Julie.

“ano na naman ba to Mich?” kalmadong tanong ni Julie.

“I know you're hiding something Juls, you may look like an angel outside but I know you’re a bitch inside” diklara ni Mich.

“stop that Mich” sigaw ni Olivia.

“you’re right that we don’t like Julie at first and I admit it, we misjudged her. But you know what I’m thankful about? I personally knew her when we were teamed and that’s when I started to like her even before I found out that she’s the chair-“

“Liv” pigil ni Tina “she’s not worth it”

“don’t stop me Tin, I want to slap her face with the truth” inis na sabi ni Olivia na away papigil.

“alam ko, ganun din naman ang gusto kung gawin but we don’t have the right” pahayag nito sabay tingin kay Julie na kalmado parin.

“Anong katutuhanan pinagsasabi niyo? Don’t tell me kabit ng chairman si Julie” natatawang sabi nito dahilan para pagtinginan ng lahat si Julie.

“trust me Mich, sa pinagsasabi mo ngayon, you don’t want to know” nakangiting sabi ni Tina.

“ehem” napatingin silang lahat sa entrance “enough with the show” nakangiting sabi ni Maqui.

Hindi man niya narinig ang lahat pero alam niya kung ano ang nangyayari.

Napa-nganga nalang si Mich sa nakita habang si Tina, Olivia at Jane naman ay napangiti.

Nagsimula ng magpresent ang grupo ni Julie at tulad ng inaasahan isa si Maqui sa tatlong jury. Sa kalagitnaan na ng presentation ay dumating ang chairman at napangiti ng makita kung gaano kagaling ang anak.

“very good” patayong sabi ng mga jury sabay palakpak.

"This is one of the best trainee presentation that I witnessed” sabi ng isang medyo may edad na lalaki na isa sa mga jury. Ito ay ang direktor ng HR department.

“thank you po direktor Lim” masayang sabi ni Julie.

“you did very well Juls, I think it runs through the blood” sabi ni direktor Lim sabay tingin sa chairman “congratulation” kamay nito sa boss.

YOU'LL ALWAYS HAVE MY HEART (DAYS TO FOREVER BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon