Chapter 25

2K 37 19
                                    

“okay guys, lets start” umpisa ng dalaga.

“so, sinong nakabasa na nito?” tanong niya sabay angat ng folder na hiniram kay Tina. Nagsitaasan sila ng kamay.

“Good” nakangiting tugon niya “so as you all read it. Let me hear something from you guys” dugtong nito.

Napayuko nalang halos lahat ng mga ka grupo ng marinig ang sinabi niya. Na para bang estudyante na takok mature ng teacher, napakunot nuo naman si Julie.

“hey! I’m asking you all, anyone?” pero ni isa ay wala paring sumagot.

“guys!” medyo malakas ang boses ni Julie at halata ang awtoridad.

“Tina?” baling ni Julie sa katabi at lahat ng ka grupo at napatingin din dito.

“ummm. Kasi Juls binasa ko naman pero wala talaga akong maintendehan” paliwanag nito.

“kahit isa? common Tina”

“kasi-“ di na natapos ni Tina ang sasabihin dahil nagsalaita agad si Julie.

“ikaw John?” napa-upo ng maayos si John ng marinig ang pangalan.

“Julie tama naman talaga si Tina, ang hirap intendehin ang lahat ng nakasulat dyan, masyadong komplikado”

“komplikado?” taas tonong tanong ng dalaga.

“isa lang ito sa mga basic report ng companya na pina-pareview at pina-parevise satin” nilagay ni Julie ang folder sa mesa at kinalma ang sarili.

“common guyz! Diba nabasa nyo nang lahat to? Kahit ni isa ba walang may naintindihan?” pero tahimik parin silang lahat.

“Martin?” baling ni Julie sa binata sa harap niya.

“nabasa ko Juls and I did understand, I also got a few suggestions”

“okay, good.  Jane?”

“Juls, tulad ng sinabi ni Martin, I also understand”

“Okay! Yun naman pala eh ,so anyone? May gusto pa ba kayong idagdag?” tanong ulit ni Julie sa mga kasama pero wala rin sumagot.

“binasa nyo ba talaga to?” angat niya sa folder.

“0 si Martin at Jane lang? ha? Ba’t sila may naiintindihan kung pare-pareho nyo namang binasa to?” pero tahimik parin ang buong grupo, halos lahat sila ay natakot sumagot. Ibang-iba kasi si Julie ngayon, kung sa training ay sobrang tahimik nito at sa dating report na ginawa nila ay mahinahon lang pero ngayon ay makikita kung gano siya ka seryoso.

“Monday pa binigay sa atin to diba?” tumango lang ang mga ka grupo niya bilang sagot.

“alam niyo by Tuesday ay tapos ko natong basahin at intindihin. Nagawan ko na rin ito ng presentation na tinapos ko kagabe at pwedeng-pwede na ipresent sa board by Monday” paliwanag ng dalaga sa mga kasama.

YOU'LL ALWAYS HAVE MY HEART (DAYS TO FOREVER BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon