Chapter 24

2K 30 6
                                        

.

.

.

“oh Patrick, asan si Julie?” tanong ni Jane, kasamahan nila sa grupo. May usapan kasi sila na mag-me-me-meeting pagkatapos ng training.

“umalis eh, mukhang may emergency” sagot ng binata sa kasama.

“mag-umpisa na tayo?”

“wala rin si Kevin” sabi ni Olivia na isa rin sa mga kasamahan nila.

“ah sus! Na miss mo agad, mukhang may date ata yun” Pang-aasar ni Alex.

“wala kayang girlfriend yun” depensa ni Olivia.

“na niwala ka naman, pinapa-asa kalang nun”

“tigilan nyo na nga yan” sigaw ni Tina sa mga kasama.

“baka kung san pa mapunta yan. Mag-umpisa na tayo.”

“nabasa niyo na ba ang mga documents na pina-pareview satin?” tanong ni Martin, isa sya sa malaking na itulong sa grupo nung unang presentation nila.

“ang hirap kaya intindihin nun, kaasar! Napaka-complicated masyado. Feeling ko mapapahiya tayo nito sa harap nga board members” sagot ni Tina na parang walang tiwala sa sarili.

“okay naman ha, may naintindihan naman ako kaya nga lang masyadong complicated.” Si Jane.

“pano ba yan guyz? Sa Monday na ang presentation, eh Friday na ngayon tapos ni hindi nga natin alam kung san tayo gagawa ng presentation” si Tina.

“bakit? Hindi ba pwede dito? Dun sa conference room ng training department, diba ginamit din natin yun nung unang presentation” suhestion ni  Karl.

“hindi  kaya pwede dun, nagpa-alam ako kay Ms. Nelda. Ang sabi gagamitin daw nila sa meeting for the upcoming anniversary at isa pa pinag-iinitan niya yung grupo natin dahil dito kay Patrick at Julie” sagot ni Jane.

“ba’t nasali kami dyan” depensa ng binata.

“pano yan? Saan tayo nito?” tanong ni Olivia.

“sa inyo nalang kaya?” balik na tanong ni Tina.

“hindi pwede, nagdo-dorm lang kasi ako at bawal magtagal ang outsiders dun. Ang sungit kaya nga land lady naming.”

“ang bilis talaga ng karma no? hindi naman kasi deserving manalo, buti nga sa inyo”

Napalingon silang lahat ng may sumingit sa usapan nila. Si Mich kasama si Sheryl.

“anong sinabi mo ha?’ sagot ni tina sabay tayo, akma na sanang susugurin sila pero pinigilan ito ni Karl.

“kayo ang hindi deserving kaya hindi kayo yung nanalo”

“Whatever! Don’t waste your time with them Mich, totally not worth it” maarting sani ni Sheryl.

YOU'LL ALWAYS HAVE MY HEART (DAYS TO FOREVER BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon