Kelly's POV
It's been 5 months and Alexies is still the same, she still laying in this bes and we keep monitoring her. Si Tita naman, siya na ang nag aalaga kay Alexies. Also, her grandma died, I feel bad for her. Grabe ang pinagdaanan niya.
"Kelly, can you take care of Alexies? Medyo puno ang schedule ko ngayon eh. Wala ka ba class?" sabi niya at tumango naman ako, napunta lang naman ako dito pag wala akong class.
"Sige po tita, meron naman po akong class pero afternoon pa naman po. Si nanay po, pupunta rito pwede ko po siyang sabihan" sabi ko at tumango ito.
"Oo nga pala, osige makikiusap nalang muna ako sa nanay mo pag umalis ka na" sabi niya at she pat my shoulder.
"Maraming salamat ha, never mong iniwan si Alexies" sabi niya saakin, grabe ang stress ni Tita.
"Ano ba kayo, kami nga po ang dapat magpasalamat. Libre check up and maintenance ni nanay, and also binigyan nyo pa ng trabaho si nanay" sabi ko sa kaniya, since noong nangyari ito kay Alexies ay kinuha na ni Tita si Nanay para mag bantay at mag linis ng bahay nila, tagapag luto minsan kasi hindi na rin nila iyon magawa dahil sa daming gawain. Minsan rin siya ang nag babantay kay Alexies.
"Wala iyon, ano ka ba maliit na bagay lang naman iyong ginawa ko" sagot niya.
"Kung maliit lang iyon sainyo, napakalaking bagay na po saamin iyon. Kaya po salamat po talaga" sabi ko sa kaniya ay niyakap niya ako.
"Wag ka na nga umiyak, sabihin ni Alex pinapaiyak ko kaibigan niya" natatawang sambit niya, and tumawa na rin ako.
Umalis na si tita at kaming dalawa nalang ni Alexies and natira. Tumingin ako sa kaniya, she's just breathing and no sense na gising siya.
"Miss na kita, uupakan talaga kita pag gising mo. Ang tagal magising ay" iling na sabi ko sa kaniya.
"Angel is trying to fix kung ano iyong saamin, ano ba gagawin ko?" I pout, hindi ko alam ang intention ng babaeng iyon.
"Pero kasi, baka rumupok naman ako" dagdag ko pa.
"Baka pag sinabi kong gusto ko siya balikan kahit may asawa siya ay baka bigla ka namang gumising para batukan ako" natatawang sabi ko.
"Pero kung ganun, para magising ka, sige okay lang" sabi ko.
Patuloy ko lang kinausap si Alexies, ganito lagi ang routine namin pag andito kami ng mga kaibigan ko, kinakausap siya.
Naramdaman ko na ay sumusundot saakin, hindi ko naman ito pinansin. After ng ilang segundong hindi pagpansin doon ay may sumundot ulit saakin.
"Hmm" ungol ko.
"Anak" agad naman akong gumising, si nanay pala. Nakatulog pala ako.
"Po?" tanong ko sa kaniya
"Ako na rito, pumasok na ikaw" sabi niya saakin at tinignan ang relo ko, ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang class ko.
"Tapos na po kayo sa check up niyo?" tanong ko at tumango siya.
"Okay naman daw ako pero need pa rin ng gamot and exercise para mapatuloy ko itong malusog na katawan ko" sabi niya at ngumiti naman ako.
"Sige po, kita nalang po tayo mamaya" agad akong humalik sa pisnge niya at kinuha ang bag ko.
"Mag ingat ha" agad naman akong kumaway bago lumabas ng pinto.
Habang palabas ng hospital ay napansin ko ang pamilyar na figure na nakasandal sa may kotse niya. Agad naman akong lumapit.
"Anong ginagawa mo rito?" bungad kong tanong.

BINABASA MO ANG
OH! MY PROFESSOR
Teen FictionAlexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating girls but scared of commiting. Nag transfer sa L.U. para takasan lahat ng mga students na naka-date n...