CHAPTER 53

643 40 3
                                    

Alexies POV

Time goes by, Kelly is now an Engineer, and my friends are now on their own path. While me? Nag stop ako 2 yrs ago, and now nagbabalak ako mag enroll ulit. Yes, two years na ang nakalipas after ko magising and nag focus ako sa pagpapagaling. Grabe, ni-hindi pumasok sa utak ko ma ganiyan pala ang mga trip ni Ali sa buhay.

"Hi, Babe" sumilip sa pinto ang isang babae, maganda, malinis, mabango, at sobrang bait.

Si Abi, remember her? Siya yung nursing student dati and since she's already nurse. Siya ang nag alaga saakin nung nasa hospital pa ako, until now. Hays, pag nag sama sila ni Mommy talagang wala akong kawala.

"Hi" masiglang bati ko sa kaniya.

"You have plans right now?" agad itong lumapit saakin at umupo sa tabi ko.

"Wala naman, you want to go somewhere ba?" tanong ko rito.

"Wala ka bang check up right now?" tanong niya. Yes, minomonitor pa rin ako until now, oa kasi ang nanay ko.

"Wala naman, babe" sabi ko.

"Wala ka bang duty?" tanong ko sa kaniya.

"Alam mo namang ang duty ko ay ikaw diba?" she says and I chuckles.

"Anyways, sila Kelly nag aaya mag kita kami. Is it okay lang na mag inom ako?" tanong ko rito and she raised her eyebrows.

"I'll ask tita" sabi niya and I pout.

"Please" pagmamakaawa ko and she roll her eyes.

"Hays, drink responsibly ha" I hug her and she smile at me.

"Pero Alexies, need kong sabihin kay Tita ha" sabi niya and I nod.

"Sabihin mo kaunti lang iinomin ko, then pumayag ka naman" I wink at her and she slap my arm.

"Aww naman" I pout and she pinch my cheeks.

"O sige na, I'll go na sa hospital" sabi niya saakin.

"Call me when you need me" dagdag pa nito at tumango ako.

"Ingat ka" nag paalam na siya saakin bago umalis ng bahay. Ako nalang ulit mag isa rito.

I grab my towel at pumunta na sa cr. Balak ko na kumilos para kitain ang mga friends ko. After ko maligo at tumingin muna ako sa may salamin, tinignan ko iyong scar ko medyo banda sa likod pero nakikita naman ito. It has a tattoo now, and buti napapayag ko ang parents ko also for removing my trauma na rin sa nangyari.

Agad akong nag bihis at chineck ang phone ko. Nakita ko ang message ni Mom, nagpaalam na pala sa kaniya si Abi, buti nalang napapayag niya, kasi kung ako baka sermonan pa ako noon. Sino ba talaga ang anak niya saamin?

I get my keys and iyong mga essentials lang ang dinala ko. Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang napakaganda kong motor, bumili ako nito few months ago. Against naman ang parents pero ending napapayag ko rin naman, nakakatamad na rin kasi mag kotse.

Tinext saakin ni Kelly and location and agad naman akong sumakay sa motor ko tsaka ito pinaandar.

Ang location lang naman ay ang condo ni Kelly. After ko makarating ay pinarada ko na ito at tsaka ako bumaba.

Nang makarating ako sa unit Kelly ay agad naman akong kumatok. I look at the window sa may hallway ay nakita ko ang katapat nitong condo, ito iyong condo ni Crystal. Nakaramdam naman ako ng lungkot.

"Hi, pretty lady" agad akong niyakap ni Kelly.

"Parang tanga" natatawang sabi ko sa kaniya at inirapan niya ako.

"Tara na nga" sabi niya at pumasok kami sa loob. Bumungad saakin ang mga kaibigan ko and may mga balloons sa paligid.

"Happy birthday to you" kanta nila saakin.

"Lah matagal pa birthday ko uy!" saway ko sa kanila at nilapit ang cake saakin.

"Hala hindi ko birthday, nakakatampo kayo ha" inis kong sabi sa kanila.

"Tanga, Happy 3rd birthday!" sigaw nila and kumunot naman ang noo ko.

"Anong 3rd pinagsasabi niyo riyan" natatawang sabi ko.

"Blow the candle" sabi ni Kelly, aangal pa sana ako pero uupakan na ako ni Xia kaya hinipan ko nalang.

"Mga baliw" irap ko sa kanila at tumawa sila.

"Baliw birthday mo naman ay, 3 yrs ago ka kaya noong nagising ulit" sabi ni Marco, at talagang nag celebrate pa sila.

"Hi Alexies" bati saakin ni Miss Angel.

"Uy, hi miss" sabi ko rito.

"Andito po pala kayo" sabi ko and she smile.

Umupo kami sa couch and agad naman akong pinag silbihan ng mga kaibigan ko. Minsan lang kasi kami magkakasama dahil may mga trabaho na nga sila at may mas priority na sila.

"Miss, kailan po ba ang enrollment?" tanong ko at tinignan ako ng mga kaibigan ko.

"Are you going to enroll na?" tanong ni Xia and tumango naman ako.

"Next week, pero kung gusto mo I can handle naman iyong enrollment mo" sabi ni Miss.

"Baka naman ma-spoiled mo iyang si Alexies" saway ni Kelly.

"It's just a help, para hindi na rin siya mapagod" sabi ni Miss.

"Ako na po, miss ko na rin po kasi ang campus eh" sabi ko sa kanya ay tumango nalang siya.

"Andiyan pa iyong mga notes ko, gusto mo ba?" tanong ni Kelly.

"Pangit kaya ng sulat mo" sabi ko and nagsalubong ang mga kilay niya.

"Ang kapal" sabi niya and she roll her eyes.

"Pwede ka na ba mag inom?" tanong ni Marco. Natapos na rin kasi kami kumain at nakapag pahinga na.

"Pwede naman kaso kaunti lang" sabi ko sa kaniya pero aangal sana siya.

"Wag ka na mag reklamo, baka magalit si Babe" natatawang sabi ni Kelly at tumingin ang mga kaibigan ko na nang aasar.

"Nasaan na pala si Abi?" tanong ni Zara.

"Nasa hospital" sabi ko naman.

"Nag papalakas na kay Tita" natatawang sabi ni Xia.

"Kayo, grabe kayo we're friends kaya" sabi ko naman.

"Ah sige" sabi nalang nila pero halatang hindi sila naniniwala.

Habang umiinom ay nag kukwentuhan naman kami, si Xia and Zara ay nag lalandian lanh sa tabi ko habang si Marco naman ay may pinakilalang lalaki saamin, si Kelly naman hindi ko alam kung anong meron sila nito ni Miss. Basta alam ko masaya silang lahat.

Sobrang daming chika, nakikinig lamang ako at umiinom, sila ngayon ay todo walwal dahil mga walang pasok sila sa work bukas. Nag decide na nga na dito matutulog sa condo ni Kelly eh.

Agad naman natigil ang usapan namin noong may tumawag sa phone ni Ms. Angel. Nag paalam lang siya na lalabas para sagutin iyong tawag at kami ay nag patuloy lamang.

"Hi, I need to go muna baka hindi ako makapag stay here" sabi ni Ms. Angel kay Kelly na kakabalik lang galing labas.

"Why?" tanong nito and Ms. Angel look at me. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya.

"May pupuntahan lang ako" sabi niya.

"Sino?" mataray na tanong ni Kelly.

"Eto naman" saway ko sa kaibigan ko, at parang nahihirapan si Ms. Angel mag salita.

"Si Crystal" biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Umuwi siya ng Pinas" ayun ang huli sabi ni Ms. Angel, pero nag paulit-ulit sa utak ko ang linyang binanggit niya.

She's here.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon