CHAPTER 45

5.6K 126 9
                                        

Alex POV

I keep calling and texting Crystal pero ni-isa hindi niya sinagot, halos parang bagsakan ako ng langit at lupa sa nangyari last time. Nakakulong lang ako sa kwarto, at iniisip kung ano ba ang mali saakin. 

My parents are worried na rin saakin, and they always knocking on my door para sabihing kumain na ako. 

"Anak" narinig kong sambit ni mommy sa labas ng kwarto ko. 

"Aalis muna kami ni Daddy mo, may emergency sa bahay ni Lola mo" sabi niya at agad naman akong napabangon at binuksan ang pinto. 

"Anak anong nangyari saiyo?" sabi ni mommy at agad naman akong niyakap nito. I'm sure nakita niya ang puffy eyes ko. 

"Why ma, bakit kayo aalis?" sabi ko at agad niyang hinawakan ang mukha ko.

"Basta tumawag nalang si Tita mo at pinapapunta kami ni Dad mo, babalitaan kita pag nakarating na kami" sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.

"Make sure na kumain ka ha, nag aalala ako sayo" sabi niya at nakita ko sa kaniyang mata ang tunay na pag aalala.

"Nasa work po si Dad diba?" sabi ko at tumango siya.

"Yes, mag kikita nalang kami ng Dad mo sa bahay ng Lola mo" sabi nito saakin at niyakap ko siya. 

"Anak please, take care of yourself ha" pagmamakaawa nito at tumango naman ako.

"Ingat mommy" sabi ko at hinalikan ako nito sa noo.

"Oh siya mauna na ako" nagmamadaling sabi niya.

Pinanood ko lang na umalis ang kotse ni mommy, halos halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Sanay ay okay lang si lola, at sana kausapin na ako ni Crystal, kailangan ko ng sagot. 

Nabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang vibrate ng phone ko, nakita ko ang isang notification from text messages, may kaba at excitement ako naramdaman habang binubuksan iyon at nakita ko ang pangalan ni Crystal. Agad ko naman itong binuksan at agad akong nanlumo sa reply niya saakin. 

"Please, leave me alone and don't reach me ever again" 

Habang binabasa ko nang paulit-ulit ay parang gumuho ang mundo ko. Ni-hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi pa nag sisink in saakin ang mga nangyayari, parang nung isang araw ay ayos kami ngayon ay ganito na, ano ba ang nagawa kong mali?

Pumunta ako sa kusina at kinuha ko ang black label na naririto, puno pa ito at naka selyo. Agad kong binuksan at walang atubiling ininom ito mula sa bote nito. 

Tangina.

Napamura nalang ako sa unang laklak ko pero patuloy pa rin ako, hanggang sa maramdaman kong umiikot na ang mundo ko ay ibinababa ko na ito. 

"Crystal" naramdaman kong tumutulo ang luha ko at agad pumunta sa kwarto ko para kuhain ang susi ko.

 Gusto kong sagutin niya ang mga tanong na bumabagabag saakin, agad kong kinuha ang jacket ko at lumabas ng bahay namin. Pupuntahan ko siya. Kahit nahihilo ay pinush ko pa rin ang sarili ko na kitain ko siya.

Mabilis akong nagmaneho papunta sa condo kung saan siya nag stay, I keep calling her phone no. pero naka block na ako rito. Agad kong pinark ang kotse ko at tumungo sa elevator tsaka pinindot ang floor kung saan ang unit niya. 

Halos gumewang na ako sa paglalakad at kung saan-saan na ako napapasandal. 

Nang marating ko na ang unit nito ay agad kong kinatok, hindi ko mapigil ang pwersa sa katawan ko kaya alam kong malakas iyon. Wala pa ring lumalabas na Crystal kaya agad ko ulit itong kinatok nang mas malakas. 

"What the fuck?!" inis na sabi nito nang buksan ang pinto. 

"Crystal" tumulo ang luha ko habang nakatingin sakaniya, at halata sa kaniya ang pag-aalala.

"Please, let's talk" I say at akmang papasok pero agad niya akong tinulak. 

"Umuwi ka na" sabi niya saakin pero pinipilit ko pa rin na pumasok, hanggang sa hindi na niya ako mapigilan. 

"Ano bang mali saakin?" tanong ko sa kaniya.

"Alexies, please umuwi ka na" sabi nito at agad inaalis ang pagkayakap ko sa kaniya.

"Mag-usap naman tayo oh" sabi ko rito at pinipilit na umalis sa yakap ko.

"Ano bang problema, ako ba? May nagawa ba ako?" Tanong ko rito habang hindi mapigilan ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata.

"Alexies, please!" agad akong lumuhod dito at hinawakan ang kamay niya.

"Please, ako nalang" sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa mata niya.

"You're drunk" sabi niya at inalis ang kamay ko sa kamay niya.

"Ano bang problema saakin at siya ang pinili mo!?" inis kong sabi rito at alam kong napalakas ang boses ko. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagkabigla, dahil alam kong hindi niya inexpect na masisigawan ko siya. Never ko siyang sinigawa. 

"I'm sorry" sabi ko sa kaniya at tumalikod ito saakin.

"Umalis ka na" sabi nito na halos walang emosyon.

"Wala naman akong dapat piliin dahil wala namang tayo" sabi niya at halos parang may mga karayom na tumusok sa puso ko.

"Also, don't expect na I'll choose you over him kasi siya ang tatay ng dinadala ko" sabi niya at sa phrases niyang binatawan ay nagsimula na ring bumitaw ang pag-asang natitira saakin.

"P-pero sabi mo m-mahal mo ako" nauutal kong sabi at lumingon siya saakin. Tinitigan ko siya sa mata pero wala akong emosyong nakikita. 

"Kalimutan mo na iyon" sabi niya at agad akong tinulak palabas ng unit niya, halos maubusan ako ng lakas. Kaya narealized ko nalang na nasa labas na ako nung nag salita siya. 

"Umalis ka na, baka abutan ka pa ni Carlo. Don't ever go here again, wala ka ng babalikan" she says at agad sinaraduhan ang pinto, halos bumagsak ang sistema ko sa ganap na iyon. 

Agad akong pumasok ng elevator at parang wala sa sariling bumaba sa building ng condo niya. Agad akong pumunta sa sasakyan ko at agad binuhas ang nararamdaman ko. Nag tagal ako ng ilang minuto sa parking lot at sobrang sakit pa rin ng dibdib ko.

 Habang nakatitig sa kawalan ay nakita ko si Crystal kasama si Carlo. Dala-dala ni Carlo ang dalawang maleta at pumasok si Crystal sa kotse. Agad akong lumabas ng kotse ko at lalapit na sana sa kotse kung saan nakasakay si Crystal pero agad naman itong umalis. 

Ayan ba ang sinasabi niyang wala na akong babalikan?

Agad akong pumasok sa kotse ko at nawawalan na ako ng pag-asa. 

"PUTANGINA!" sigaw ko sa loob ng kotse at pinaghahampas ang manibela ko. 

Grabe ang galit, poot, at lungkot na nararamdaman ko. Natigil akong ilabas ang emosyon ko ng tumawag si mommy saakin. 

"H-hello" nanginginig na sambit ko.

"Alexies" bakas sa tono ng boses ni Mommy  ang lungkot. 

"B-bakit po?" tanong ko.

"Si mama" sabi nito at agad akong kinabahan.

"Anak, hindi muna makakauwi si Mommy and Daddy ha" sabi ni mommy.

"Mommy?" tawag ko rito.

"Anak, braindead na si Lola mo, tubo nalang ang sumusuporta sa kaniya" ayun ang sabi ni mommy at narinig ko na siyang umiyak.

Agad ko namang naibaba ang phone ko ay napahimalos nalang sa mukha ko. Halo-halong emotions ang nararamdaman ko. At tuluyan na ngang gumuho ang mundo ko.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon