CHAPTER 48

5.2K 109 0
                                        

Kelly's POV

Noong malaman ko kung ano ang nangyari kay Alexies ay agad kong sinabi agad kay Tita kung ano ang nangyari. Bakas sa boses niya ang takot, kaba, at pag-aalala sa kaniyang anak. Alam ko kung ano ang pinagdadaanan ng pamilya nila tapos dumagdag pa itong kay Alexies.

Nakalipas na ang isang araw ay wala pa rin kami balita sa kaibigan ko. Tumawag na rin ako kay Tita at tanungin kung anong gagawing solusyon.

"Natawagan ko na iyong kaibigan ko, tutulungan nila tayo" narinig kong sabi ni Tito mula sa kabilang linya. Sabi niya ay may kilala siyang Pulis na pwedeng makatulong saamin.

"Uuwi ako" sabi ni Tita, mukhang nag uusap silang mag-asawa.

"Hindi ko ma-track ang phone ni Alexies" malungkot na sabi ni Tita.

"Tita, na-report na rin po namin iyong kotse" sabi ni Marco, magkakasama nga pala kami at tumingil muna sa paghahanap.

"Meron pa bang pwedeng ma-track sa kaniya?" tanong ni Angel.

"Tama, iyong susi niya" sabi ni Tita mula sa kabilang linya.

"Iyong susi niya, may gps iyon kasi lagi niyang nawawala" sabi ni Tita.

"Kaso lang, iyong susi na kasing yun ay sa kotseng binenta niya kay Crystal" nawawalang pag-asang sabi ni Tita

"Oh god" napahilamos sa mukha si Xia.

"Every stoplight dito ay may cctv camera, we can check it" sabi ni Angel.

"Andaming stoplight, malay mo pinunta pala sa ibang lugar si Alexies" sabi ko sa kaniya.

"Ano ba itong nangyayari" nanlulumong sambit ni Tita.

"Osige, aalis na ako. Balitaan niyo ako pag may nahanap kayo na pwedeng makatulong para mahanap siya, I'll text you Kelly pag nakabalik na ako riyan" sabi ni Tita at tumango ako.

"Naawa na ako kay Tita" sabi ko sa kanila at alam kong hanun rin sila.

Habang nag iisip ng solusyon ay biglang may tumunog sa phone ko. Ang bilis naman makauwi ni Tita.

"Track my phone if you want to find your friend"

Ayan lang amg tanging nakalagay sa text message at napatingin ako sa kanila.

"What?" Tanong ni Angel at pinakita ko iyong message.

"Who's that?" tanong niya at nagkibit balikat ako. Unregistered ang number niya saakin.

"Maybe she/he knows kung nasaan si Alexies" sabi Marco at dahil doon, nagkaroon ako ng pag-asa.

Bigla ulit nag notif iyong phone ko.

"Make it faster before my phone will run out of battery"

Eto ang huling dagdag ng mensahe. Inayos ko agad ang aking gamit habang si Angel at nakakunot ang noo.

"Paano pag hindi si Alexies iyan?" tanong niya saakin.

"Wala akong pake kung hindi iyan si Alexies, pupuntahan ko pa rin" sabi ko sa kaniya.

"Paano pag napahamak ka?" tanong niya saakin.

"Eto nalang yung nag bigay pag-asa saakin, kaya Angel isasacrifice ko lahat makita ko lang ang kaibigan ko" sabi ko at tumayo.

"Kailangan mo maging matalino, paano nalang pag-" hindi ko na siya pinatapos dahil naiinis na ako sa kaniya

"Edi wag ka sumama, hindi naman required sumama ang isang tulad mo eh" sabi ko sa kaniya at kinuha niya iyong bag ko.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon