Alexies POV
Nakaalis na kami we're driving na papunta sa cemetery, sabay-sabay na kami pumunta I think naka dalawang malaking van kami, kasama na rin kasi ang iba tita at tito ko.
"We're here na" sabi ni Daddy at pumasok kami sa loob ng cemetery at nag drive hanggang sa makarating kami sa grave ni Lola.
Agad naman akong bumaba at pumunta sa grave ni Lola, hindi ko na sila agad inantay. Nilibot ko ng tingin ang graveyard niya. Hindi ko mapigilang pumatak ang luha ko, it's my first time na puntahan siya dito.
"Good morning po" sabi ko habang nakatingin sa grave niya.
"How are you? Miss na miss na kita" malungkot kong sabi.
"I'm sorry if hindi ako nakadating sa burial mo, andami kong gustong sabihin sayo eh pero I think kaya ko naman siya sabihin pa rin pero wala ng response from you" dagdag ko pa.
"I'm sorry if nadamay ka sa problem ko, hindi ko naman po alam eh" I think if hindi ko nakilala si Ali hindi mangyayari ito eh.
"Hindi ko po talaga kinaya noong araw na nabalitaan ko, sumabay pa iyong kay Crystal, La. Hindi ko po talaga alam kung anong gagawin ko, parang walang-wala ako noong araw na iyon, I can't think properly kaya hindi ako nakapunta agad. Hindi ko alam kung sinong kakapitan ko noong araw na iyon, para bang kinarma ako pero wala akong ginagawang dahilan para karmahin" malungkot kong sabi.
"Mahal na mahal kita, La" I wipe my tears and naramdaman ko naman ang rub mula sa likod ko. Si Daddy pala.
"It's okay, at least nasa safe place na siya" pilit na ngiti ni Dad.
"I miss her, Dad" niyakap ko ang ama ko.
"Lahat naman tayo namimiss siya, we're like a story, merong katapusan" sabi niya and pinunasan niya ang luha ko.
Ilang oras rin kaming nakatambay doon at hindi ako umalis sa grave ng lola ko, marami akong sinabi na hindi nasabi noon na pinagsisisihan kong hindi sabihin sa kaniya, she's my second mother pag wala ang Mommy ko, always kong nilolook forward ang pag-uwi dahil sa kaniya.
"Tara na" sabi ni Daddy at tumango ako.
Agad naman lumapit ang mga kaibigan ko at binigyan ako ng group hug. Yakap, all I need is hug, and thanks sa mga kaibigan ko kasi never nilang pinaramdam na nag-iisa ako.
"Wag na malungkot baka dalawin ka niyan ni Lola" pag papalakas ng loob saakin ni Chris.
"Heh!" saway ko sa kaniya at inakbayan naman niya ako.
"Naiintindihan ni Lola ang sitwasyon mo noon, kaya wag kang mag-alala hindi nag tatampo iyon" sabi ni Chris at ginulo ang buhok ko.
After noon ay agad kami bumalik sa van para pumunta na sa beach kung saan kami mag staycation na pamilya. Medyo nasa other side siya ng Batangas kaya natulog nalang kami ng mga kaibigan ko para di maramdaman ang mahabang biyahe.
"Ano kamusta ang tulog?" bungad na tanong saamin ni Mommy.
"Nasaan na po tayo?" tanong ko.
"We're here na, inaantay ko nalang kayo tapos yung mga pinsan mo at Dad mo ay nandoon na" sabi ni Mommy at ginising ko na ang mga kaibigan ko.
"Hi po, Tita" bati ng mga kaibigan ko at inaya ko na sila umalis. Naka park na pala ang sasakyan namin, hindi ko man namalayan na nakarating na pala kami.
"Ayown, gising na rin" sabi ni Chris at inirapan ko siya, bwisit talaga yan pag bagong gising.
"Nasaan si Ms. Angel?" tanong ko kay Kelly na kakagising lang din.
BINABASA MO ANG
OH! MY PROFESSOR
Teen FictionAlexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating girls but scared of commiting. Nag transfer sa L.U. para takasan lahat ng mga students na naka-date n...
