SPECIAL CHAPTER

7.8K 134 11
                                        

Alexies' POV

It's been 8 years since we got married. We're happy now—living under the same roof, raising kids. And Alexa's about to graduate. Yes, we have other kids too, thanks to IVF. Mahal nga eh, grabe. Kaya isa lang muna kasi I know mahirap pag sobrang dami.

"Gosh, Alexies, wake up!" Nagising ako sa boses ng asawa ko—yes, we're always like this.

"Ang aga naman," sabi ko, at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Breakfast is ready," sabi niya sakin, kaya bumangon na rin ako agad.

Inayos ko sarili ko bago sumabay sa kanila. Minsan na lang din kami magkita ng asawa ko kasi we're both busy with our professions.

"Mommy, are you going to my graduation?" Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Crystal.

"Baby, mommy has a meeting that day," sagot niya, at agad akong tumingin kay Alexa na mukhang nalungkot.

"Can you take a leave?" tanong ko. Huminga siya nang malalim.

"It's a big client, and Dad will get mad if I don't close the deal," sabi niya sakin. Kumain na lang ako in silence.

"Mommy will try," dagdag niya kay Alexa. Tumango na lang ang anak niya.

After kumain, ako na ang nag-volunteer na ihatid si Alexa. Si Amethyst naman, sinama ni Crystal sa office—mas safe kasi doon kaysa sa site.

"You okay?" tanong ko kay Alexa, na mukhang malungkot pa rin sa passenger seat.

"We barely see each other, tapos ngayon pa, on my important day, she won't come," tampo niya.

"Hey, don't be too hard on your mommy. She's just busy. I'll talk to her later," sabi ko, at ngumiti siya.

"Pipilitin natin mommy mo," dagdag ko, sabay halik niya sa pisngi ko.

"Thank you, Mama. Basta you'll come, ha?"

"Of course. You know I already reserved that day for you."

Pinagaan ko lang ang loob niya hanggang makarating kami sa school. After ko siyang ibaba, dumiretso na agad ako sa site. May pinapagawang bahay si Marco—he's getting married soon, syempre, with my cousin. Remember him? Yung nambobola kay Kelly dati.

"Ano ka na, Engineer?! Late ka na naman!" sigaw ni Kelly. Umirap na lang ako.

"Pakialam mo," sabi ko. Hinampas niya ako.

"Bakit parang bad mood ka na naman?" tanong niya. Uminom ako ng tubig.

"Crystal na naman?" tanong niya. Bumuntong hininga lang ako.

"Wala namang bago."

"Anong nangyari ba?"

"Family matters," sagot ko. Tumango lang siya.

"Ganun, sige, work na lang tayo," sabi niya.

"Work agad?" tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Teh, anong gusto mo? Maglagay tayo ng mesa sa labas, tawagin lahat ng workers, tapos mag-inuman?"

Inirapan ko siya. Siya ata talaga ang wala sa mood.

"Eto na naman!" sabi ko habang umaalis siya papasok.

Ilang oras kaming nagtrabaho. Pinahinga muna namin ang mga workers. Nag-order kami ng food—sobrang init kasi at alam kong gutom na rin sila.

"Ma'am," tawag ng isang worker, lumapit sakin.

"Yes po?"

"Eto po, gawa ng anak ko," sabi niya at inabot ang isang papel.

"Wow naman, thank you po," sabi ko. Ngumiti siya.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon