Alexies POV
Sa dami ng nangyari ay pinili ko na rin ang puso ko over sa galit ko, I know na if I keep pushing Crystal away mawawala siya saakin. I hope we're good na and she's not mad. I grab my bag dahil papasok na ako sa school.
"Alexies, kain ka muna" sabi ni Daddy at tumingin ako kay Mommy na hindi pa rin ako pinapansin.
"How's school?" tanong ni Daddy.
"Okay naman po" sabi ko rito at tumango siya tsaka ako nilagyan ng pagkain sa pinggan ko.
"Mom" tawag ko rito.
"Hmm?" sagot niya and I look at my Dad.
"Nakipag usap na po ako kay Crystal" sabi ko rito.
"That's good" maikling sagot niya.
"Hindi kita pinalaking ganun ha, sana matuto ka na, Sapphire" dagdag pa nito at tumango ako, she's so mad.
"You need extra allowance?" tanong niya at umiling ako.
"Buy something para kay Crystal" sabi nito at tumango ako.
Agad naman akong umalis after kong kumain, malalate na ako. Kaya after ko i-park ang car ko ay tumakbo na agad ako papunta sa room.
Pag pasok ko sa room ay nag tuturo na si Ms. Angel dito, she just look at me and tinuro ang seat malapit sa table niya.
"There's a quiz" sabi ng katabi ko, agad akong napalingon sa may board.
"Fuck" sabi ko at hinalungkat sa bag ko ang paper. Hindi ako nakapag review.
"Here" sabi noong katabi ko at inabutan ako ng paper and pen.
"Thank you" sabi ko.
"Stop talking, Alcantara" sabi ni Ms. Angel at agad kong sinulat ang mga problems.
Halos ma-freak out ako kasi wala akong masagot, I look around and mukhang nakapag review sila.
"Copy this" about saakin ng isang scratch at tinignan ko lang siya.
Agad siyang tumayo para mag tanong kay Ms. Angel and nilingon niya ako para sabihing simulan ko na kumopya. Halos nag shortcut lang ako sa mga solutions na ginawa niya.
Medyo madami naman akong nakuhang sagot and thanks to them kasi hindi ako zero ss quiz, kasi kahit mali man sagot nila may partial points pa rin for solutions.
"Pass your papers" sabi ni Ms. Angel at agad kaming nag pasa lahat, tsaka ako lumabas para habulin iyong katabi ko.
"Hi, thank you" sabi ko sa kaniya at ngumiti ito.
"No worries, by the way I'm Selena" sabi niya at ngumiti ako.
"Alexies" sabi ko at nag paalam na ako sa kaniya dahil isang subject lang naman ang meron ako.
Bago pa ako makaalis ay biglang lumapit saakin si Ms. Angel.
"I know what you did" sabi niya saakin at yumuko naman ako.
"Sorry po, hindi ko po alam na may quiz" sabi ko sa kaniya.
"Papalampasin ko ito, pero hindi na dapat maulit" sabi nito at tumango ako.
"Pupunta ka ba kay Crystal?" tanong nito at tumango ako.
"Ikaw na maghatid kay Alexa" sabi niya.
"Sige po" sabi ko, and I know may date sila ni Kelly.
Since sasabay ko nga si Alexa ay inantay ko na siya sa harap ng classroom niya, grabe halos mag habol ako ng hininga dahil nasa kabilang building pa ito.
BINABASA MO ANG
OH! MY PROFESSOR
Fiksi RemajaAlexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating girls but scared of commiting. Nag transfer sa L.U. para takasan lahat ng mga students na naka-date n...
