CHAPTER 55

815 47 6
                                    

Alexies POV

Natapos naman na ako sa aking pag aayos, hindi pa pala ako nakakapag paalam sa parents ko, mas naging mahigpit naman sila saakin pag lumalabas ako, pero naiintindihan ko naman iyon. Agad akong bumaba para makapag paalam sa parents ko, sabi kasi ni Abi ay mga around 3 ay aalis na kami.

"Hi, mom" bati ko sa kaniya at talagang sinusuri niya ako.

"Saan pupunta?" tanong niya and I smile. 

"Going out, with Abi" sabi ko and she nods. 

"Kayo lang?" tanong ni Dad.

"Opo" sabi ko at tumingin sila saakin na parang nang aasar.

"Okay, ingat kayo ha" sabi niya and I kiss their cheeks. 

Agad naman bumukas ang pinto at lumabas si Abi. Naka dress siya, and sobrang bagay noon sa kaniya. 

"Good afternoon po" bati niya sa parents ko. 

"Kaya pala nag half day ka lang ha" sabi ni Mom. 

"Doc" natatawang saway nito kay Mom. 

"O sige na, mag iingat kayo ha" sabi ni Mom and tsaka kami umalis sa bahay. 

Grabe naman itong bababeng ito, napapapayag agad ang overprotective kong mom. 

"Let's go?" tanong niya and I nod. She open the passenger seat door for me. 

"Where tayo?" tanong ko rito.

"Tagaytay" sabi niya.

"You'll drive?" tanong ko sa kaniya and she nods. 

"Pwede mo kong kapalitan ha" offer ko sa kaniya, alam ko kung gaano kahirap mag drive lalo na kung medyo malayo ito. 

"It's fine" sabi niya at agad pinaandar ang kotse niya. 

Hindi naman traffic kaya medyo sakto lang ang dating namin, medyo madilim na rin at buti nga nakarating kami nang maayos. Hindi talaga nakipag palitan si Abi saakin, grabe naman ang babaeng ito. 

"We're here" sabi niya.

Nasa may Cliffhouse kami rito sa Tagaytay, maganda ang ambiance ng coffee shop nila and kita talaga rito ang Taal Volcano, medyo madilim na nga lang kaya hindi siya masyadong nakikita pero sobrang aliwalas at presko rito. 

"I'll order na" sabi ni Abi, ako naman ang naghanap ng upuan. 

Habang inaantay si Abi ay nakatingin lang ako sa paligid, grabe ang ganda naman rito. Marami din ang kumakain rito and natambay, kailangan talaga ng jacket, buti nalang I always have my jacket.

"Enjoying the view?" tanong ni Abi at umupo ito sa harap ko.

"Oo, ang ganda kasi" masaya kong sabi.

"Buti nagustuhan mo" sabi niya at tumango ako.

"I always go here pag need ko mag refresh ng sarili ko" sabi niya saakin.

"May dinala ka na ba rito?" tanong ko sa kaniya at umiling naman siya saakin.

"Ikaw pa lang, it's my first time bringing a date here" sabi niya saakin.

"Ang swerte ko naman?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, kaya mag thank you ka kasi inaya kita" sabi niya saakin and I roll my eyes.

"Alam mo if bibigyan ako ng chance, I'll take care of you forever" sabi nito saakin.

"Cheesy ka pala 'no?" pang aasar ko sa kaniya and she roll her eyes. 

"Seryoso kasi" inis na sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon