CHAPTER 74

9.6K 148 22
                                        

Alexies POV

Gosh this is it! We're on Iceland, it's my wedding day and later magkakaroon ng aurora and we're waiting for that scene, doon talaga namin tinapat ni Crystal. I'm here sa room kung saan inaayusan ako ng mga friends ko.

"Puta ang lamig" sabi ni Kelly.

"Malamang, alangan mainit dito?" bara ni Xia at tumawa lang ako.

"Tangina, congrats sa isang certified na bading" sabi ni Kelly habang lumapit saakin."Kinakabahan nga ako eh" sabi ko.

"Baliw akala mo naman tatakbuhan ka niyan ni Crystal" sabi ni Kelly, ayan napapa overthink tuloy ako.

"Wag kasi" sabi ko.

"Baka nga sugurin niya pa iyong pipigil eh, tsaka duh hindi naman siya mag aaksaya ng ilang milyon para sa kasal niyo tapos tatakbo siya" sabi nito.

"Nag ambag naman ako!" sabi ko rito, parang sinasabi niyang presence ko lang ang ambag ko."Sinabi ko bang wala, eto lagi gusto iniinclude ang sarili" mataray na sabi nito.

"Congrats teh! Grabe di naawat ang pagiging bading" sabi ni Marco after niya ako ayusan.

"Tapos na ba kayo?" bungad ni mommy.

"Yes po" sabi ko at lumapit ito saakin.

"Grabe, parang dati napakatigas ng ulo mo. Ngayon alipin ka na ng kabaklaan" sabi ni mommy at tumawa ang mga kaibigan ko.

"Mommy" sabi ko at pinunasan niya luha niya.

"Para di lang maiyak ang mommy, tsaka I'm happy naman na you finally found someone na kinakasaya ng heart mo" sabi niya at niyakap ako.

"Group hug" sabi niya sa kaibigan ko at niyakap nila ako.

...

Nakarating na kami sa place kung saan gaganapin ang wedding namin, nakapwesto na kami and I'm waiting nalang kay Crystal na soon mag wawalk na sa aisle.

"Kumalma ka nga" katabi ko ngayon si Kelly.

"Kinakabahan nga kasi ako" sabi ko.

The music started, and I saw my beautiful soon-to-be wife slowly walking down the aisle. She was so beautiful in that white dress. She's looking at me at hindi mawala ang smile sa labi niya, she's with her dad and step mom. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

"Crybaby" sabi niya noong makalapit saakin.

"Di kaya" sabi ko at tumawa lang siya.

"Hi sir" agad naman akong nag bless sa dad and step mom niya.

"Pwede ka pang magbago ng isip, Crystal" sabi ng daddy niya.

"Dad" inis na saway nito sa tatay niya.

"Alagaan mo anak ko ha, papahanap talaga kita" sabi nito at napapigil hininga naman ako.

"O-opo" sabi ko at inabot ang kamay saakin ni Crystal.

"Grabe" sabi ko at tumatawa siya.

Habang nasa ceremony ay I'm playing Crystal finger while nakikinig sa priest. I keep glancing at Crystal at minsan ay nahuhuli niya ako, she knows na kinakabahan ako kaya pinapakalma niya ako by keep rubbing my hand.

Tumayo kami ni Crystal, at binigyan naman ako ng mic to say my vows.

"Uhm, hello" sabi ko at tumawa ang mga friends ko, mga baliw.

"Hi baby, sa dami ng nangyari saatin ay dito rin pala ang tuloy natin. Imagine tinanong kita kung bading ka ba pero sabi mo straight ka" sabi ko at tumawa ang mga tao.

"I hate you" sabi niya and nginitian ko siya.

"Ayaw mo kamo sa mas bata sayo, pero uhm you're here standing sa altar with me? Busog na busog ka siguro sa mga words mo. Tapos you're so mean pa saakin noong unang kita natin" sabi ko at inirapan niya ako.

"Kidding aside, thank you for choosing me, for loving me, and for everything na ginawa mo saakin. Hindi ko inexpect na you'll comeback and take me back, sa tagal nating nagsama, we already know ang ugali nang isa't-isa and thank you for accepting my flaws. I don't need to change because you love everything about me. I love you, baby" sabi ko at she wiped her tears.

"It's my turn" sabi ni Crystal at tumawa ang friends ko.


"Hello Alexies" sabi niya, wow first name basis.

"Actually first time na nakita kita naasar agad ako sayo, I keep recalling iyong face mo kasi sobrang familiar saakin. Pero naalala ko noong tinanong mo ko about sa girl na nameet mo noong nag bar ka" sabi nito at nanlaki ang mata ko.

"Oops, hindi pala alam ni tita?" sabi niya at tumawa siya. Tsaka ako lumingon kay mommy na parang nag babanta.

"Anyway, sabi mo nga dito rin tayo napunta, alam mong I'll do everything para makabalik sayo. I'm sorry if nasaktan kita before, pero now I'm willing to give everything para sayo. I know marami tayong pinag daanan, and we're both fighting sa buhay. Noong nasa time na need kita i-let go dati, someone asks me if I would die for you" sabi niya saakin, I know kung sino iyon.

"Pero sabi ko I will live for you" sabi niya.

"Our love story is my favorite, and I promise to continue writing it with you" she added and smiled at me.

"Alexies, do you take Crystal to be your lawfully wedded wife? Do promise to love and cherish her, in good times and in bad, in sickness and in health, for richer for poorer, for better for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live?" the priest says.

"I do" sabi ko while looking at Crystal.

"Crystal, do you take Alexies to be your lawfully wedded wife? Do promise to love and cherish her, in good times and in bad, in sickness and in health, for richer for poorer, for better for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live?" tumingin naman siya kay Crystal.
"I do," said Crystal, and we kissed after the priest announced that we were officially married and could kiss.

"I love you" sabay naming sabi and everyone's clapping and shouting.

...

We're on the hotel na kung saan malapit ang aurora, makikita namin ito mamaya, and I'm so happy na I'm married na.

"Gosh" sabi ko habang tinitignan ang singsing.

"I love you, baby" sabi ko.

"I love you more" sabi niya.

"Congratulations, Lei" sabi ni Mica, yes invited siya, ininvite ni Crystal.

"I'm already yours" bulong ni Crystal at ngumiti siya kay Mica.

"Thank you" sabi ni Crystal.

"Hey Alexies, I need to go na" sabi ni Abi.

"Bilis naman?" tanong ko sa kaniya.

"I'm here lang to see you getting married, and I need to work" sabi niya at tumawa.

"Are you going back?" tanong ni Mica.

"Yes" sabi ni Abi.

"Cool, let's go together sa airport, I'm going back na rin eh" sabi nito."Really? Sige" sabi ni Abi.

"Congratulations ulit" sabi ni Abi at umalis na sila ni Mica.

"Bagay sila" sabi ni Crystal.

...

After namin kumain ay we're looking sa aurora, buti nalang ay malapit itong hotel rito, grabe sobrang ganda. I look at my wife and she'ssmiling while looking around.

"Are you happy?" tanong ko.

"Fucking yes" sabi nito and we kiss under aurora borealis.

"Will you marry me?" narinig kong sabi ni Angel kay Kelly. Gosh, she's proposing!

"Yes!" sabi ni Kelly at nakangiti kaming nanonood sa kanila.

We're hugging each other, while looking around to adore the gorgeousness of aurora borealis. Grabe hindi pa rin ako makapaniwala na iyong babaeng gustong-gusto ko ay asawa ko na.






The End.




//Thank you for supporting Oh! My Professor! Alexies and Crystal are now signing off na, I hope you like my story. Thank you for likes and comments, grabe nakakatuwa! I love you all. Also, thank you for staying until the end kahit na almost 2 yrs ako bago mag update hehe.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon