Alexies POV
After noong sinabi ni Ms. Angel iyon ay kinakabahan ako na baka magkita kami, ano naman ang irereact ko diba? Maliit lang ang mundo and possible na magkita pa rin kami pero alam ko namang kaya kong iwasan.
I'm preparing some papers para sa enrollment ko, di ko na tinggap iyong offer ni Ms. Angel na siya na ang mag enroll saakin, nakakahiya na rin. Also, kasama ko naman si Abi.
"Are you done?" bungad saakin ni Abi and I smile.
"Yes!" masaya kong sabi.
"Let's go?" agad ko naman kinuha ang helmet and keys ko. Si Abi ang may hawak ng aking mga papers. We're going to ride my motorcycle.
"Here" abot ko sa helmet niya. Since lagi naman siyang nasakay sa motor ko dati kaya may helmet na siya.
"Hawak ka ah" sabi ko sa kaniya.
"Pwede bang bagalan mo lang?" sabi niya saakin.
"Halos araw-araw kang sumasakay saakin, di ka pa ba sanay?" ngisi kong sabi at agad akong hinampas nito.
"Bwisit ka" sabi niya at sinuot ko sa kaniya ang helmet niya tsaka siya sumakay.
Agad ko namang pinaandar ang motor niya at dahil siya ang nasusunod saamin ay syempre binagalan ko na rin, kaya minsan ayoko mag angkas eh, paano tayo haharurot niyan. After ko mai-park ang motor ko ay pumasok na kami ni Abi sa loob ng campus. Grabe andaming pinagbago, puro booths at maraming tao.
"School fare yata" sabi ni Abi at agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Grabe, mas naging okay, siguro walang terror prof" sabi ko at sabay kaming tumawa.
After ko mag enroll ay nag libot kami ni Abi sa mga booths na meron rito, marami rin silang tinda at ganap.
"Abi!?" narinig kong boses sa hindi kalayuan na sabay naming nilingon ni Abi, agad silang lumapit kay Abi.
"Hi" masayang bati nila saakin at ngumiti ako.
"Si Alexies pala" pakilala saakin ni Abi at nginitian rin nila ako.
"Grabe nurse ka na" sabi nila and Abi smile at them.
"Kamusta kayo?" tanong ni Abi.
"Okay lang naman, sana pumasa na kami this time, dati kasabayan ka lang namin ngayon nurse ka na" proud na sabi nila pero may halo itong lungkot.
"Ano ba kayo, okay lang yan hindi naman required na kailangan perfect niyo ang ilang tao sa college eh. Tsaka hindi naman pabilisan dito eh, as long as na you can handle everything kahit matagal man ang process, okay lang yan. Tiyaga lang talaga" sabi ni Abi and I didn't realized na nakangiti na ako habang nakatingin sa kaniya.
"O siya, una na kami ha" paalam nila kay Abi.
"Alexies, nice to meet you" nakipagkamay sila saakin tsaka sila umalis.
"Grabe, dito mo talaga marerealize na you're on your own" sabi ko kay Abi.
"Yes, hindi naman pabilisan sa college eh, its how long you can survive. If bumagsak, retake lang, if nag stop, then continue when you feel you're ready na ulit. Hindi mo kailangan makipag sabayan sa ka-batch mo, wala kang dapat habulin, take your time, and do your best" sabi niya and I smile at her, grabe talaga siya. When I'm with her parang lahat kaya kong gawin kasi she will never judge me.
"Let's eat?" sabi niya saakin and I nod.
"Pwede ba saakin ito?" tanong ko sa kaniya, payo kasi saakin na umiwas ako sa mga food na unhealthy eh.
"You have your nurse sa side mo naman, I'll take care of you" sabi nito saakin at agad kaming umorder.
After naman mag order ay agad kaming nag hanap ng spot at nakarating kami sa garden para kumain, ito iyong garden kung saan pinakain ako ni Crystal ng salad pero ayaw ko. Why always her? Agad akong umiling at nilimot ang mga bagay-bagay.
"How was it?" tanong ni Abi and I enjoying the food.
"Masarap" sabi ko sa kaniya and she smile at me.
"Don't tell tita ha, cheat day today" she winks at me and I chuckles.
"Of course, babe" sabi ko and she roll her eyes.
Habang kumakain ay may nakiupo sa harap namin, si Ms. Angel pala. Professor pa rin siya rito, siya kaya ang solid Prof. dito minsan lang may topak pag makaaway sila ni Kelly.
"Hi, Miss" sabi ko.
"Kamusta? Are you done mag enroll?" tanong niya and I nod. I look around and she fakely cough.
"She's not Professor her anymore" sabi niya and nakaluwag naman ako.
"Sino?" tanong ni Abi.
"Ah wala, iyong kinakatakutan ko lang na prof" sabi ko sa kaniya and she nods.
"Anyway, may chemistry kayong dalawa ha" sabi ni Miss at nakita ko namang namula si Abi.
"Miss Angel talaga" sabi ni Abi at tumawa ito.
"Why? Seryoso nga" sabi ni Miss Angel. Ano ba itong ano ni Kelly.
"Susumbong kita kay Kelly talaga" sabi ko sa kaniya and she pouts. Grabe naman, kala mo cute.
"Kayo ba Miss?" tanong ko rito at alam ko na alam niya ang point ko.
"Ewan ko riyan sa kaibigan mo, di mo malaman kung ano ba ang gusto. Naiintindihan ko naman kasi on going pa ang divorce ko" sabi nito, hindi na nagulat si Abi dahil alam naman na niya ang tungkol sa kaniya ni Kelly.
"Hayaan mo na po muna, may topak lang talaga yun, minsan nga naiisip ko baka need niya na magpa-check rin eh" sabi ko at tumawa kami.
"Pero do you guys like each other?" balik na tanong naman niya.
"Si Miss talaga" saway ko rito, hilig niya talagang asarin kami.
"You're both single din naman" sabi pa niya, mag sasalita sana ako pero biglang tumunog ang phone niya at agad niya itong sinagot.
"Hello" sabi niya at agad nilayo sa tenga niya ang phone, halatang sumakit ang tenga niya.
"Nasigawan ka yata, Miss" sabi ko and she nods.
"Una na ako ha" sabi niya at nagmadaling umalis.
"Super understanding naman" natatawang sambit ko, kung makita niyo lang ang reaction niya, halatang natatakot.
"Are you open sa date?" tanong ni Abi and I look at her.
"Oo naman" sabi ko at she smile at me.
"That's nice" sabi niya saakin.
"Can I take you on a date?" deretsong sabi niya at nag taka naman ako.
"Why so sudden?" tanong ko sa kaniya.
"Actually, matagal ko na gustong ayain ka for a date, kaso nahihiya lang ako" sabi nito saakin.
"Oo naman, yes let's date" sabi ko sa kaniya.
Agad naman siyang ngumiti and she hugs me, hindi naman siguro masama na makipag date ako diba? I'm single and wala namang masama, pero bakit parang pinipigil ng puso ko ang desisyon na sinabi ng utak ko?

BINABASA MO ANG
OH! MY PROFESSOR
Teen FictionAlexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating girls but scared of commiting. Nag transfer sa L.U. para takasan lahat ng mga students na naka-date n...