CHAPTER 44

5.7K 124 5
                                        

Alex POV

Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ng lokong lalaking iyon, may halong kaba at takot. Hindi na ako nag stay sa condo ni Crystal kasi ewan ko ba parang may something talaga sa kanya, and pinapauwi na rin ako ng parents ko. Nababagot ako rito sa bahay dahil tapos na ang term namin, miss na miss ko na siya. Baka mabaliw na ako.

Kinuha ko ang phone ko at chineck ang messenger ko baka sakaling miss niya na rin ako, pero ang bumungad lamang ay ang group chat namin, miss  ko na rin sila. 

"Hi" bati ko sa group chat at nag seen ang lahat.

"Putangina buhay ka pa pala?" chat ni Marco at nag react lang sila.

"Oo naman, kasi naawa ako sainyo kung mawawala ako eh, sino ang mag tuturo sainyo ng magandang asal?" reply ko rito at nag angry react naman sila. 

WHUT?!

"Tanga, ilang araw ka rin kayang walang paramdam" sambit ni Kelly.

"Sa school lang tayo nagkikita at nagkaka-usap" dagdag pa nito sa chats.

"Simula nung nag stay ka diyan kay Miss Lavinge" dagdag ni Xia.

"Guys, sana naman ma-gets niyo yung sitwatsyon namin" chat ko, at biglang tumawag si Kelly sa gc namin na sinagot naman naming lahat. 

"Ano?" bungad nito.

"Parang stress ka" sambit ni Marco.

"Wala ito" sabi ko, dahil na rin siguro sa kakaisip na may something kay Crystal. 

"So ano wala ka bang balak ngayon? Tapos na iyong class oh" sabi ni Marco.

"Uhm, ano kasi eh need ko muna anuhin si Crystal-" hindi ako natapos sa sasabihin ko.

"Ayan Crystal na naman, tapos pag may problema mag aaya mag inom ng 3 am" sabi ni Zara.

"Teh ano ba talaga plano ninyo sa buhay?" tanong ni Marco.

"Oo nga, kayo na ba or what?" mataray na tanong ni Xia.

Oo nga, kami na ba? Hindi ko pa siya natatanong sa kung anong meron kami kasi ayokong dagdag isipin niya ito.

"Ay wala pa kasi hehe-" hindi na ako pinatapos ni Kelly.

"End call na baks".

"Sorry na kasi" sabi ko and sabay-sabay lang silang umirap.

Siguro nag tatampo sila kasi hindi nga kami nagkikita na masyado at nag uusap, hindi tulad dati. Ngayon ko lang napapansin na parang mas magiging center na ng buhay ko iyang si Crystal.

"Ganto nalang, bar nalang tayo next week?" sabi ko sa kanila.

"Need ko pa kasi i-help si mommy sa hospital" dagdag ko, at totoo tinanong ako ni mommy if pwede ba akong mag ayos ng schedule niya.

"Okay sige" sabi nila at tinapos na namin ang call.

Naghanap ako ng mga bagay na pwedeng kabusyhan dahil na nga para mawala ang iniisip ko, ayaw ko mag overthink dahil lang medyo naging distant si Crystal saakin after nung check up namin para sa baby niya. 

Naging maayos pa naman kami nun sobrang clingy niya pa nga saakin at needy eh, yung tipong hindi mo aakalaing gagawin niya kasi isa siya sa terror prof namin, para bang wala sa personality niya yung pagiging ganun. Hays miss ko na naman siya. 

I grab my phone and text her. 

"Hey, I miss you" yun lang ang sabi ko kasi hindi niya rin naman sineseen. 

Ano ba ito, baka gusto niya lang ng me time, dahil buntis rin siya. Ganiyan talaga pag buntis, moody. 

"Alexies, tara na" biglang bukas ng pinto ni Mommy.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon