Alexies POV
Nag plano ang parents ko na umuwi kami ng Batangas before mag start ang class ko, para na rin ma-visit ko si Lola.
"Sasama ba ang friends mo?" tanong ni Mommy habang nag papack ng snacks namin para sa byahe.
"Oo raw po" sabi ko.
"Pero mag kakanya-kanya daw po sila eh, mav drop by daw po sila para sabay-sabay na.
Agad naman tumango si Mom. Si Dad naman ang nag lalagay ng mga bag namin sa kotse, okay na ang lahat, ang mga kaibigan ko nalang talaga ang matagal.
"Andito na sila" sabi ni Dad, at mukhang tapos niya na rin ipasok iyong mga gamit namin.
"Hello po" agad naman niyakap isa-isa ng mga kaibigan ko ang nanay ko.
"Outing ba ito Tita?" tanong ni Marco.
"I think yes" sabi naman ni Mom at napaka laki ng ngiti ng mga ito.
"Okay na ba kayong lahat?" tanong ni Mom at tumango naman sila.
"Eto, baunin ninyo baka magutom kayo sa byahe" sabi ni Mom at inabot ang mga naka sealed na snacks sa mga kaibigan ko.
"Wag kayong kakain habang tumatakbo ang sasakyan niyo ha, pag nag stop lang" paalala ni Mom at tumango naman sila.
"Oh tara na" agad kaming lumabas sa bahay at sumakay sa kotse. Magkasama sa isang kotse si Xia and Zara while si Marco and Kelly at may dalang sariling sasakyan.
"Mag ingat ha" paalala ni Mom.
"Yes po!" sabay-sabay nilang sabi at nauna kaming umandar sa kanila, sila ay susunod lang saamin.
Buti sumama ang mga kaibigan ko, para na rin makapag enjoy sila at buti na rin ay hindi hectic ang schedule nila today.
Inabot lang ng 3 hrs ang byahe namin at nakarating na rin na rin kami sa bahay ni Lola na safe. I look around at hind na ito katulad ng dati. I miss the laughter na namumuo sa bahay na ito.
"Hays" sabi ko and my Dad rub my back.
"It's okay, malulungkot lola mo pag nalaman niyang malungkot kang umuwi" sabi niya at I smile.
"Nakakalungkot lang Dad na hindi ko man lang siya nakita until her last breath" sabi ko sa kaniya while looking at the house.
"Maiintindihan naman ng lola mo iyon, atsaka you can visit her naman anytime eh" sabi niya.
"Let's go" sabi niya at tinulungan ko na siya mag dala ng gamit naman.
"Alexies!?" agad naman akong niyakap ng mga pinsan ko, dito pa rin pala sila nag stay.
"Kamusta ka na?" tanong ni Chris.
"Sino ka ulit?" tanong at binatukan naman ako.
"Aray!" angal ko.
"Nagka-amnesia bigla ah" sabi niya at ngumisi lang ako.
"Nasan na iyong prof mo? Jowa mo na?" tanong ni Chris at biglang nawala ang ngisi sa mukha ko, naalala ko kung gaano sila ka-boto kay Crystal.
"Wag na natin siyang pag-usapan, okay?" sabi ko at nakuha naman niya agad.
"Ah guys, mga kaibigan ko nga pala" turo ko sa mga kaibigan ko.
"Marco, Xia, Zara, and Kelly" pagpapakilala ko sa kanila sa mga pinsan ko.
"Ah mga pinsan ko, mahirap isa-isahin and dami nila" sabi ko at tumawa naman ang friends ko.
"Hello po" bati ng mga kaibigan ko.
"Oh tara na inom na" sabi ni Chris.
"Ano?" tanong ni Mom at tumawa ako.
BINABASA MO ANG
OH! MY PROFESSOR
Fiksi RemajaAlexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating girls but scared of commiting. Nag transfer sa L.U. para takasan lahat ng mga students na naka-date n...
