CHAPTER 46

5.5K 119 9
                                        

Alex POV

I'm just staying here sa bahay, wala akong gana lumabas, kumain, at puro lang inom, in short wala akong gana mabuhay. I keep thinking about lola, kung gaano ako kalapit sa kaniya, paano niya ako alagaan pag wala ang parents ko, paano niya iparanas saakin yung tunay na pagmamahal, and I remember pa kung paano niya tanggapin si Crystal para saakin.

My mom always checking up on me, she's asking kung kelan daw ba ako pupuntang Batangas para bisitahin si lola. I already know what will happen sa kaniya, she's braindead and there's no chance to survive. Ang saakin, my body and my soul don't want to see her lying on the bed in that kind of condition. Baka mas lalong hindi ko na kayanin, iniisip ko pa lang hindi ko na kaya eh, paano pa kaya pag nakita ko.

"Lord pwede bang isa-isa lang? Hindi ako parte ng strong soldier mo" lasing kong sambit.

I keep contacting Crystal pero mukhang naka block na ako or nag change lang siya ng number kaya siguro hindi ko siya ma-contact.

I get my phone and nag chat ako sa gc namin.

"G, tonight. Same place, 7 pm"

Ayan lang ang tanging chat ko sa kanila, hindi ko na sila inantay mag respond, bahala sila kung pupunta sila basta ako tuloy ako. Hindi ko na pinansin iyong phone ko na nag vi-vibrate dahil sa notifications.

Nang kinagabihan ay kinuha ko lang yung susi at jacket ko, nag suot na rin ako ng shades kahit gabi dahil sobrang namamaga ang mata ko kakaiyak. Halos wala na ngang lumabas na luha sa mata ko kahit anong pilit ko eh.

Nag drive ako papunta sa location namin kung saan kami mag-iinom ng mga friends ko. Sana naman pumunta sila. Pag punta ko sa reserved seats ay wala pa rin doon ang mga kaibigan ko. Napabuntong hininga naman ako at nag order na agad ng isang bucket ng beer.

Hindi ko na inantay ang mga kaibigan ko at nag simula na akong mag inom. Nakalipas ang 30 minutes ay nakarating na ang mga kaibigan ko. Akala ko hindi na sila dadating eh.

"Gabing-gabi naka-shades ka" sabi ni Kelly at umupo sa tabi ko.

"Bagay ba?" Tanong ko at tumawa ako, tawang pilit.

"Pangit" sabi nito and uminom nalang ako.

"Ang aga mo naman mag inom, may problema ka ba?" Tanong ni Marco at umiling nalang ako.

"Weh?" Tanong nila at nag smile lang ako.

"Never kong nakitang ganyan ka Alexies" sabi ni Zia at agad inalis ni Kelly ang shades ko.

"Omg, what happened?" nag aalalang tanong nila, for sure nakita nila ang puffy eyes ko.

"Are you okay? Tell us what happened" Agad silang tumabi saakin at hindi ko na napigilan na umiyak.

"Si lola" malungkot kong sabi at humagulgol na ako.

"Hindi nya na ako hinintay maka-graduate" sabi ko pa at nakita ko sa mga mata nila ang lungkot at pag-aalala.

"I'm sorry to hear that" sabi ni Xia at agad niya akong niyakap.

"It's okay to cry, it's okay to be vulnerable sometimes, please wag mo ipunin sa loob yung nararamdaman mo" niyakap nila akong apat at hindi pa rin ako tumigil kakaiyak.

"Si Crystal" dagdag ko pa.

"She left me" I say.

"What?" Takang tanong ni Kelly.

"Sumama sya kay Carlo na iyon, magpapakasal daw sila" mapakla akong tumawa at kumunot ang noo nila.

"I hate her" inis na sabi ni Xia.

"Hindi ko na alam" sabi ko at pinunasan ang luha ko.

Dinamayan naman ako ng mga kaibigan ko sa pag iinom, I know grabe ang pag-aalala nila saakin pero sinabi kong kaya ko. Wala akong choice, dapat kong kayanin ang lahat dahil hindi titigil ang mundo para saakin. I knew to accept everything.

Pero bakit ang hirap?

"I'll smoke outside" sabi ko at nagulat sila. I don't smoke.

"Huh?" tanong ni Xia.

"Let her" sabi ni Marco at agad kong kinuha iyong isang box ng yosi at lighter sa bulsa ko.

Lumabas ako sa bar at agad kumuha ng isang yosi tsaka ito sinindihan. Agad kong tinira ito at kinuha ang panyo ko tsaka pinunasan ang basang parte dahil sa luha ko.

Habang inaalis ang stress sa katawan ko ay may nakita akong pamilyar na babae, na naka-hoodie.

"Cathleen?" tanong ko, at lumingon naman siya.

"Uy" nakangiti niyang bati, siya yung nakalaban ko sa bilyar last time.

"Andito ka rin pala" sabi ko at tumango siya.

"Oo naman, it's Friday" sabi niya at lumapit saakin.

"Are you okay?" tanong niya at tumango ako.

"You look so stress" she says at hindi inaalis ang tingin saakin.

"Medyo lang" sabi ko at tumawa siya.

"Here meron akong ointment para diyan" sabi niya at inabot niya parang lipbalm stick saakin.

"Just sniff it para mag refresh yang utak mo" sabi niya saakin.

"Totoo ba toh?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.

"Duh, mag offer ba ako sayo kung hindi" inirapan niya lang ako

"Try mo" sabi niya at agad ko itong binuksan at inamoy. Grabe nakaka refresh nga, nararamdaman mo iyong lamig ng hagod. Parang mentol, tama nga siya nakaka-relax ito at parang nakakahilo.

NAHIHILO AKO!?

"Sabi ko naman sayo, wag kang magtitiwala agad diba?" sabi niya.

Agad akong lumingon sa kaniya at biglang may van na tumigil sa harap namin tsaka ako biglang nawalan ng malay.



Kelly's POV

"Ang tagal naman nun" sabi ko kina Marco na umiinom.

"Grabe baka naubos niya na iyong isang kaha" sabi ni Zia.

Grabe ang pinagdadaanan niya ngayon, hindi ito madadaan sa mga comfort words. Imagine dalawang pangyayari iyong natanggap niya ngayon, kahit ako hindi ko kakayanin.

"Puntahan ko nga" sabi ko at tumango lang sila. Baka ano nangyari dun.

Agad akong lumabas at tumingin sa paligid pero wala akong Alexies na nakita.

Grabe baka umuwi na iyon.

Pumunta lang ako sa pwesto kung saan pwede mag yosi pero ni isang hibla ng buhok nya ay hindi ko nakita. Pabalik na sana ako sa loob at napansin ko ang isang tela, box ng yosi, at lighter.

Parang kay Alexies.

"Bilis naman mag sawa nun, dito nalang tinapon bago umuwi" napa-iling ako at kinuha iyong panyo.

"Grabe hindi ko nakita" sabi ko sa mga kaibigan namin na parang lasing na.

"Umuwi na yata ang tomboy" sabi ni Marco.

"Kainis iniwan tayo" sabi ni Xia na umiinom pa rin.

"Ako hate na hate ko na yang si Ms. Lavigne ha, putangina niya" inis na sambit ni Xia havang si Zara at pinipigilan ito.

"Ang sama-sama niya" sabi ni Xia.

"Umuwi na tayo" sabi ni Zara at tumango ako tsaka inalalayan si Marco.




Someone's POV

"Kamusta?" sabi ko.

"Nasakin na siya, dadahil ko nalang riyan" sabi ni Cathleen.

"Good" ayun lang ang sinabi ko at pinatay ang tawag.

Agad akong umupo sa sofa habang pinaglalaruan ang pencil sa kamay ko,

"Buti naman at wala ng sagabal" nakangisi kong sambit sa kawalan.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon