Alexies POV
Nagising ako na masakit ang katawan ko, agad akong bumangon dahil naramdaman ko na tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw, nilingon ko ang paligid ko ay wala na roon ang mga kaibigan ko. Lumabas ako ng room at nakita ko ang lahat sa may bandang cottage na nag aayos para sa umagahan.
"Good morning po" bati ko and I kiss my parents sa cheeks nila.
"Umupo ka na riyan, malapit na ito matapos" sabi ni Mommy at tumabi naman ako kay Kelly.
"Coffee oh" about saakin ng kape ni Kelly.
"Wow" sabi ko sa kaniya at inirapan lang ako.
"Good morning po, Miss" bati ko sa katabi ni Kelly.
"Good morning" masayang bati nito.
"Bakit po wala kayo kahapon?" tanong ko, mga gabi ko na yata siya nakitang bumalik.
"Ah, may ginawa lang ako" sabi nito at tumango-tango ako.
After namin kumain ay napag isipan naming magkakaibigan na tumambay sa may ilalim ng puno. Sobrang hangin at napakaaliwalas dito.
"Grabe, buti nalang sumama tayo kasi baka after neto malalang work naman" sabi ni Kelly.
"Okay lang yan" sabi ko sa kaniya.
"Gusto ko magpatayo ng bahay" sabi ko sa kaniya.
"Seryoso ka ba?" tanong nito at tumango ako.
"Tapos na ba ang project mo?" tanong ko rito at umiling siya.
"Pero malapit naman na" sabi nito.
"I-reserve mo na ako ah, ako next" sabi ko at tumawa lang siya.
"Seryoso ka nga?" tanong nito at tumango ako.
"Alam ba ni Tita yan?" tanong niya.
"Hindi pa, pero at least may bahay na akong sarili, malay mo mag asawa na pala ako" sabi ko sa kaniya.
"Sino naman teh?" tanong ni Marco.
"Si Kylie" sabi ni Xia at tumawa ako. Remember Kylie, we're good friends at ngayon nasa ibang bansa na siya with her parents, pero we're still talking naman.
"Namiss ko na iyon" sabi ko.
"Akala ko si Abi" sabi ni Zia at ngumisi nalang ito.
"Tanungin niyo muna kung nala move on na ba iyan" natatawang sabi ni Kelly, panira talaga.
"Ano naka move on ka na ba?" tanong ni Xia.
Nakalimutan ko na nga ba siya?
"Siguro" sabi ko.
"Awit" natatawang sambit ni Marco.
"Oo, nakalimutan ko na siya" confident kong sabi.
"What if iharap ko siya ngayon sayo, ano irereact mo?" tanong ni Angel.
Ano nga ba?
"Ano—wait" sabi ko dahil naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.
Hello, I'm here with Doc.
Received kong text mula kay Abi, she's here.
"Abi is here" masayang sabi ko.
"Wow naman, edi ako nalang pala ang walang kasama rito" sabi ni Marco.
"Ano kami sa paningin mo?" tanong mga kaibigan ko.
"Ih, ayoko ng bilat" tumawa naman kaming lahat.
Bumalik kami agad sa cottage at nakita ko si Abi na kakarating lang, she's eating right now, kaya naman tinabihan ko na siya agad.
BINABASA MO ANG
OH! MY PROFESSOR
Teen FictionAlexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating girls but scared of commiting. Nag transfer sa L.U. para takasan lahat ng mga students na naka-date n...
