Alexies POV
Naghahanda na ang pamilya ko para sa gabihan namin, naandito buong maghapon ang mag ina, dahil gusto rin naman ni mommy si Alexa, sabi nga ni daddy ay gumawa nalang sila ng bago para hindi na sila nanghihiram.
Sa buong hapon na pag stay rito ni Crystal ay buong hapon ko rin siyang inavoid, lagi lang akong nakadikit kay Abi and si Abi naman ay ginagawa ang gusto niyang gawin, ang mahalin ako.
Alam kong napapansin niya iyon kung paano ako alagaan ni Abi at itrato, ayos naman si Abi eh parang ako lang talaga ang problema, maybe na-drain lang ako sa relationship ko kay Crystal dati. I'm scared na rin na baka ending ako ulit ang talo.
"Lalim naman niyan" sabi ni Kelly at tumabi saakin.
"Manggugulo na naman" sabi ko at tumawa siya.
"Problema?" tanong niya at umiling ako.
"Mahirap talaga umiwas sa problema kung siya ang nalapit" sabi ni Kelly at alam ko naman ang sinasabi niya.
"Wala naman akong magagawa, ang rude naman kung itaboy ko siya" sabi ko sa kaniya.
"Eh tinaboy ka rin naman niya dati ah" sabi ni Kelly, napaka-pasmado naman ng bibig nito.
"Leche" inirapan ko siya at tumawa lang siya.
"Tsaka ano, nag confess saakin si Abi" sabi ko at mukhang hindi naman siya nagulat.
"Ano sabi mo?" tanong niya saakin.
"Na hindi pa ako ready" sabi ko rito.
"Hindi ka ba talaga ready, or you're waiting for someone tapos doon ka ready?" sabi niya saakin.
"Hindi ah" mabilis kong sagot rito.
"Mabuti naman" sabi nito at bumuntong hininga lang ako.
"Tingin mo taka ba iyong ginawa ko? Ayoko kasing saktan si Abi" sabi ko rito.
"Sinabi ko rin agad na hindi pa ako ready and naintindihan naman niya, pero I don't know bat ako nag-guilty pag pinapakitaan niya ako ng motibo" malungkot kong sabi.
"Okay lang naman iyon, kesa naman pilitin mo diba pareho lang din naman kayong masasaktan" sabi nito at tumango ako.
"Alexies, halina kayo" tawag ni Mommy at pumunta naman kami ni Kelly.
Sama-sama kaming gabihan at parang wala namang nagbago saamin ni Abi, she's clingy pa rin and sweet towards saakin.
"Tara doon" sabi ni Abi at turo sa may mga nag titinda.
"Tara" sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko.
Napansin namin ang maraming tinda na mayroon dito, maraming foods na kung ano-ano at mga souvenirs.
"Try this" agad kinuha ni Abi ang isang bunny headband at nilagay ito sa ulo ko.
"Ikaw naman" agad kong kinuha ang isang cat ears na headband.
"Bagay po kayo" sabi ng babae at nagkatinginan kami.
"Bagay daw tayo" ngising sabi ni Abi at ngumiti lang ako.
"How much po dito?" tanong ko.
"300 po dalawa" sabi nito, ang mahal naman?
"Mag rereklamo sana ako pero agad hinawakan ni Abi ang kamay ko.
"It's on me" sabi niya at nilabas ang 1k sa wallet niya.
"Ang mahal naman" reklamo ko ng makalayo kami sa store na iyon.
"Okay lang yun, sinabihan naman tayong bagay eh" sabi nito at tumawa siya.
"Tara" hatak ko sa kaniya ng makakita ako ng isaw.
BINABASA MO ANG
OH! MY PROFESSOR
Teen FictionAlexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating girls but scared of commiting. Nag transfer sa L.U. para takasan lahat ng mga students na naka-date n...
