Alexies POV
Nakatingin lang ako sa bintana habang pinag mamasdan ang paligid.
Naandito siya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na naandito siya, bakit imbis na magalit ako ay namiss ko siya. Gustong-gusto ko siya yakapin, pero naalala ko kung paano niya ako nasaktan.
"Hi" sabi ni Abi, hindi ko rin maiwasan na isip iyong paghalik niya sa pisnge ko.
"Good morning" sabi ko at lumapit ako sa kaniya.
"Kakain na" sabi nito at tumango naman ako.
Sabay kaming lumabas ni Abi at nakita kong naghahanda na ang pamilya ko para kumain.
"Buti naman lumabas ka na" sabi ni Mommy, hindi talaga ako lumabas ng room kasi baka makita ko siya.
Teka, bakit ako ang nag tatago dapat siya diba? Siya iyong gumawa ng kasalanan saakin, so hindi ako dapat iyong mag-adjust.
Habang kumakain kami ay nag kwentuhan naman sila, ako ay tipong nakikinig lang at alam kong napansin ng ni Kelly ang pananahimik ko, siya lang naman ang nakakaalam at si Ms. Angel.
"Tita, Angel" nagulat kami sa batang sumulpot at yumakap kay Angel.
"Hello cutie, who's with you?" tanong ni Mommy, mahilig siya sa bata talaga.
"Hello po" bati nito, naka pang swimming siya habang nasa noo niya ang goggles niya.
"AhTita, si Alexa po" sabi ni Angel.
"Pamangkin mo?" tanong ni Mommy at umiling naman ito.
"Kaninong anak ba ito?" tanong ni Mommy at lumapit kay Alexa.
"Baby" nag salita naman ang isang babae sa likod ni Mommy at lumingon kaming lahat.
She's wearing two piece pero naka see through na robe siya, naka-messy bun ang buhok. Kitang-kitabang kaputian, kurba, at kagandahan niya.
"Crystal?" tanong ni Mommy at ngumiti naman si Crystal sa kaniya.
"Hello po, Ti-Ma'am" sabi nito.
"Mommy" agad namang lumapit si Alex sa nanay niya.
"Uy Ate!" tawag ng mga pinsan ko at ngumit lang siya.
"Kamusta ka na?" tanong ni Mom at nag bless naman si Crystal.
"Halika" tawag ni Mommy at pinaupo si Crystal kasama ang anak niya sa tabi ko.
"May anak ka na pala?" tanong ng mga pinsan at tita ko.
"Ah, opo" sabi naman niya at hindi na sila mag salita.
"Ang cute naman nito" sabi ni Mommy.
"Naalala ko tuloy si Alexies noong bata, gantong-ganto siya eh. Pinaglalaruan niya lang ung suot niyang diaper" sabi ni Mommy at namula naman ako sa hiya.
"Mom" saway ko at tumawa si Kelly.
"Since birth ka palang dugyot eh" pang-aasar nito at tumawa sila.
"What's your name?" tanong ni Mommy.
"I'm Alexa Sophia" sabi nito.
"Say po" sabi ni Crystal.
"I'm Alexa Sophia, po" nakangiting sabi nito.
"You're so cute naman, you want chocolates?" tanong ni Mommy.
"Mommy" tumingin naman ito sa mommy niya at tumango lang ito.
"Yehey" masayang sabi nito at bakas sa ngiti ng mommy ko ang saya ng makakita ng bata.
"Wait lang ha" agad umalis si mommy, siguro para kuhain ang chocolate.
BINABASA MO ANG
OH! MY PROFESSOR
Teen FictionAlexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating girls but scared of commiting. Nag transfer sa L.U. para takasan lahat ng mga students na naka-date n...
