Chapter 1
Venice POV
Anak ng teteng! Taenang buhay 'to o! Kung aabutin ka nga naman ng malas!
Puro na lang ba kamalasan ang aabutin ko ngayong araw na 'to o patikim pa lang 'to?
Nagngingitngit ako sa sobrang frustration habang nag-aabang ng jeep. Bumagsak na nga ako sa first interview ko, natilamsikan pa ng putik ang puting-puti kong semi-formal na suot ng dumaang humahagibis na sasakyan.
"Pakshit ka!" Pinahabulan ko pa ng dirty finger kung sino man ang driver ng itim na sports car na 'yon. Pag nakita ko uli 'yon babasagin ko ang windshield nun pati ang mukha ng walanghiyang driver! Makikita niya!
'Kuuuu! Sobrang nag-iinit ulo ko ngayon! Wala lang humara-hara sa harap ko at baka mabangasan ko ng di-oras!
Hay, nagiging bayolente na yata ako.
Kating-kati na ako sa putik na dumikit sa katawan ko kaya hindi na ako naghintay ng jeep at pumara na ng taxi. May isanglibo pa naman ako kaya kasya pa 'to hanggang bukas kahit mag-taksi ako ngayon. Sinabi ko sa driver ang address at ilang minuto pa'y nasa tapat na kami ng bahay namin. Umibis na ako ng sasakyan pagkatapos iabot sa driver ang bayad kong isandaan na tigbe-bente. Pasalamat siya at hindi mamiso ang binigay ko sa kanya.
Nasa sa tapat na ako ng gate namin ng may napadaang nagtitinda ng balut. Mahilig ako sa balut eh.
"Mamang Balut!" Tawag ko sa nagbabalut.
Lumapit naman ito. "Bibili ka ba?"
Ayos pala 'to eh! Kaya nga tinawag di ba? "Ay, hindi ho. Magsasanla ako!"
Napakamot na lang ang si Manong sa pagka-pilosopo ko.
"Magkano ho?"
"Kinse isa."
"Kinse!! Ang mahal naman, Manong. Dati otso lang 'yan ah!" Reklamo ko.
"Alam mo, miss, presyo pa 'yan nung 1999." Parang ala-Kuya Kim pang sabi nito,
Naks, henyo si Kuya ah. "Ah, ganun po ba?"
Paborito ko ang balut kaso kinse pesos ang isa?!
Napaisip tuloy ako. Kulang sa akin ang isang piraso saka mababawasan pa ang 900 pesos ko. Kailangan ko pang pagkasyahin iyon hanggang sa susunod na araw.
"Ano ba? Bibili ka ba o hindi?" Naiinip na tanong ni Manong.
Hmp! 'Wag na nga lang! Hindi ko na siya paborito! Ever!
"Ay, hindi na ho. Kumain ako ng ice cream kanina eh. Baka masira lang ang tiyan ko. Saka allergic pala ako d'yan." Palusot ko na lang. Samantalang wala pa naman akong kinain simula kaninang umaga bago ako pumunta sa failed interview ko.
"Naabala lang ako, di naman pala bibili." Bubulong-bulong na sabi ni Manong bago ito padabog na umalis.
Hindi ko na lang pinatulan. Anong magagawa ko e sa kailangan kong magtipid?
Parang sa horror movie pa ang langitngit ng buksan ko ang kulay brown naming gate. Actually red ang pintura niya dati, nabakbak lang kaya kinalawang na. Napag-iwanan na ng panahon. Pati ang bahay namin na up and down ay pwede ng pag-shooting-an ni Sadako.
Dati, isa kami sa tinuturing na may-kaya dito sa lugar namin nung mga panahong nasa abroad pa ang ate ko. Pero nang mabuntis siya nung huling uwi niya at di na bumalik pa, unti-unting na-demote ang status namin. Kumbaga sa clash of clan eh from titan naging bronze. Ganun katindi ang pagbaba ng rank namin.
Hayyst, speaking of, mag-a-upgrade na pala ako ng TH mamaya. (A/N: Only coc addict/fan/player can understand this, like me haha! If not, just disregard this)
BINABASA MO ANG
Wanted: Virgin Wife
General FictionI don't want anyone hanging around the woman who, for the first time, caught my attention. Whether I lose or win, whether she's virgin or not. I need to get her. By hook or by crook. - Randalf Villegas [WARNING: Mature Content] (R-18) Read at your o...