Chapter 3
Ang pagkirot ng ulo ko ang gumising sa akin.
Sh*t. Hang-over.
Tumagilid ako at kinapa si Barney. Ang stuffed toy na parati kong katabi sa pagtulog pero wala akong nakapa kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Pero muli kong pinikit at dahang-dahan uling minulat. Gusto ko lang makasiguro kung tama ba nakikita ko.
May lalaking mannequin sa harap ko!
Hmmm. Yummy abs. Declicious biceps. Edible chest.
Teka, ginawa ko namang pagkain ang mannequin. Gutom na nga yata ako. Ganito ba talaga ang epekto ng hang-over?
Umakyat ang paningin ko sa mukha ng mannequin. Hmm, in fairness, parang hawig ni Sean O'Pry. Pero nagulat ako ng kumurap iyon at nagsalita.
"Tapos ka na bang pagnasaan ang katawan ko?"
"Ayy! anak ng abs!" Napabalikwas ako ng bangon. Nagsasalita ang mannequin!
"Tao ka?" Tanong ko pa. Sinundot-sundot pa ng hintuturo ko ang tiyan nito para makasiguro.
Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit? Ano ba sa tingin mo?"
Tao nga siya! Pasensiya naman. Tao lang din ako. Nagkakamali.
"Ahehe...'kala ko kasi mannequin ka." Nag-peace sign ako saka nag-smile 'Venice' style' (showing all your teeth but not even smiling).
"Tss..Crazy...Bumangon ka na d'yan. Pag-usapan natin ang atraso mo." Supladong sabi nito.
"Atraso? Anong atraso ko sa'yo?" Takang tanong ko.
Hindi ito sumagot at sa halip ay tinapunan ako ng tuwalya sa mukha at saka damit pambabae.
Gago 'to ah! Walang modo!
"Meet me at the kitchen after you're done. And don't ever try to escape." Iyon lang at lumabas na ito.
Hmp! Ewan ko sa'yo! Ba't naman ako tatakas?
Napatingin ako sa suot ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil ganun pa rin ang suot ko gaya kagabi. Ibig sabihin wala siyang ginawa sa akin. Kinapa ko ang ibaba ko. So far, wala naman akong naramdamang kakaiba dun. Intact pa rin ang pagka-birhen ko.
Thank ghad!
Teka, pa'no nga pala ako napunta dito? Saka, anong atraso ko sa gwapong kumag na iyon? Ay, hindi, scratch the 'gwapo'. Kumag lang.
Hmp! Makapag-shower na nga at ng makauwi na.
Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na ako ng banyo. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Suot ko na ang pinahiram niyang damit na pambabae sa akin. Puting blouse at maong shorts.
Kanino kayang damit 'to? Siguro sa dyowa niya. Ako na rin ang sumagot sa tanong ko. Nakaramdam ako ng kaunting panghihinayang sa isiping iyon.
Hmp! ba't naman ako nanghihinayang? Tse! Pakialam ko kung may dyowa na siya?
Makalabas na nga!
Paglabas ko ay namataan ko ang lalaki na nakupo sa dining area. Nakatagilid siya sa akin habang nagbabasa ng diyaryo kaya alam kong hindi niya ako mapapansin agad. Huminto ako saglit at pinagmasdan ko muna siya.
Sige na nga, aaminin ko ng gwapo siya. Ako lang naman ang nakakaalam nun. Nakapantalon lang ito at walang pang-itaas kaya kita ko na naman ang maskulado niyang katawan.
Di ba uso sa kanya ang magdamit pang-itaas?
At ang abs? Whew. Ulalaam!
"Di mo makukuha 'yan sa tingin kaya maupo ka na dito." Sabi nitong hindi tumitingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Wanted: Virgin Wife
General FictionI don't want anyone hanging around the woman who, for the first time, caught my attention. Whether I lose or win, whether she's virgin or not. I need to get her. By hook or by crook. - Randalf Villegas [WARNING: Mature Content] (R-18) Read at your o...