Chapter 9

13.7K 387 21
                                    

Chapter 9

Daig ko pa ang pusang di mapaanak dahil kanina pa ako paroo't parito sa sala. Paano, hindi pa bumabalik si Randalf simula ng umalis siya kagabi. Kaya sinong hindi mag-aalala?

Paano ko alam? E kagabi pa rin ako nandito sa sala na parang asawang naghihintay sa pagdating ng kanyang asawa.

Er, hindi naman masamang mag-alala, di ba? Soon-to-be hubby ko na rin naman siya, right?

"'Asan ka na ba kasing damuho ka?!" Nayayamot na talaga ako. Hindi ko naman alam kung anong number niya kaya hindi ko siya ma-text. "Naku, pag hindi ka pa rin talaga dumating sa loob ng isang oras, pipitikin ko 'yung ball*s mo pagdating mo! Makikita mo!" Parang tangang kausap ko sa hangin.

Sakto namang bukas ng pinto at iniluwa niyon ang tila haggard na mukha ni Randalf pero nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin na nagpasikdo sa dibdib ko. Tila nawala ang yamot ko sa ngiti niyang iyon. Hindi ko alam kung anong tumulak sa akin para salubungin ko siya ng mahigpit na yakap. Siguro dahil na-relieve ako na nakauwi siyang maayos ang lagay.

"Woah, hindi naman halatang na-miss mo ako." Nakangising sabi niya sa akin habang yakap din niya ako. " Parati na akong uuwi ng ganito."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ano?! Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo tapos sasabihin mo--"

Bigla siyang humalakhak kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

At nagawa pa niya akong pagtawanan?

"Talaga? Nag-alala ka sa akin?" Amuse na tanong niya sa akin.

"Tse! Hindi!"

"Uyy, nag-alala siya sa akin." Tudyo pa niya. Kitang-kita ang amusement sa mga mata niya. Akmang kakalas ako sa pagkakayakap niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang hawak sa baywang ko.

"Hindi noh!" Ingos ko sa kanya. Ulitin pa daw. Hmp!

Tumawa na naman siya na parang tuwang-tuwa pa talaga kaya lumabi ako at pinilit kumawala sa kanya pero hindi ako pinayagan.

"Sige, sige, hindi na pala." Nangingiting sabi niya saka hinalikan ang naka-pout kong labi.

Tiningnan ko ang mata niya na parang nangangalumata. "Ano nga pala yung emergency na sinasabi mo?"

"Ah, yun ba? Nothing that I can't handle. Ako pa!" Itinaas pa niya ang isang braso at pinakita ang muscles niya.

"Yabang mo!" Sabi ko sabay pitik sa ilong niya.

Tumawa na naman siya.

"Pero nag-alala ka talaga sa akin ha?" Nakangising sabi niya.

Ugh! Hindi ba niya ako titigilan dun?!

Namula ako kaya tuluyan na akong kumawala sa kanya at tinalikuran siya para pumunta sa kwarto.

Hmp! Bahala ka na nga d'yan!

"Hey, wifey!" Tawag niya ng nasa pinto na ako.

"Ano na naman??" Nakabusangot na tanong ko.

Lumapit siya sa akin saka sumandal sa pader malapit sa pinto. "Pack your things enough for a week. Aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Bago ko sagutin 'yan, sagutin mo munang itatanong ko."

"Ano 'yon?"

"Nag-alala ka nga talaga sa akin?" Nakangising tanong niya.

Omaygahd! Hindi talaga siya maka-get over dun?!

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon