Chapter 19
Sinulit namin ang pag-stay sa Sinagtala Falls. Actually, ako lang pala dahil halos hindi ako umaahon sa tubig.
Hapon na nang mapagpasiyahan naming bumalik ng mansion. Habang nasa daan ay panay ang tanong ni Randalf ng kung ano-anong bagay tungkol sa akin, katulad ng, kung anong paborito kong kulay, pagkain, number at marami pang iba. Pati nga vital statistics at size ng paa ko ay tinanong din niya. Natatawa na lang ako sa kaniya habang sinasagot ang mga iyon. Para siguro hindi siya antukin habang nagda-drive saka pantaggal din ng inip.
Pagdating sa mansyon ay sinalubong kami ng dalawang katulong para tulungan kaming ipasok ang mga dala namin.
"Ate Medy, si Nay Vera po?" Tanong ni Randalf sa isang katulong.
"Ay, nasa kusina po siya, ser." Sagot nito.
Matapos magpasalamat dito ay magkahawak-kamay kaming dumiretso sa kusina. Naabutan namin si Nay Vera na nagluluto. Amoy pa lang ay mukhang masarap na ang niluluto nito.
"Nay!" Tawag ni Randalf saka yumakap dito. Matapos kumalas ay ako naman ang niyakap ni Nay Vera.
"Mukhang nag-enjoy kayo ah." Nakangiting sabi nito.
"Siya lang ho, Nay." Sabi ni Randalf sabay turo sa akin. "Kulang na lang e iuwi niya yung dagat dito."
"Tse!" Pabirong irap ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Mukhang hiyang ka naman, iha, lalo kang naging blooming." Tudyo sa akin ni Nay Vera.
Namula ako. Masyado ba akong obvious?
"Sabihin n'yo ho, Nay, nagmukha siyang negra!" Pang-asar na sabi sa akin ni Randalf.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Anong sabi mo?!"
Aminado akong naging tan ang kulay ng balat ko dahil sa pagbabad ko sa tubig.
Narinig kong tumawa siya. "Sabi ko negra." Gagad niya.
"Negra pala ha!"
Hinabol ko siya ng kurot hanggang sa nagpaikot-ikot kami sa kitchen island. Natatawa na lang si Nay Vera habang pinapanuod kami.
Napatili ako nang lumapit sa akin si Randalf at bigla akong binuhat na parang sako.
"Nay, iakyat ko muna 'tong asawa ko." Sabi niya kay Nay Vera. "Ang harot eh."
"Ansabe mo?!" Singhal ko sabay kurot sa umbok ng puwet niya.
Natawa si Nay Vera.
"Mayamaya bumaba na rin kayo para mag-dinner. Malapit na 'tong maluto." Pahabol nito habang palabas kami ng kusina.
"Sige po." Sagot ko habang nakabaliktad. Nakakapit ako sa likod ni Randalf sa takot na malaglag.
"Hoy, lalaki! Ibaba mo ako! Yari ka sa akin pag nakababa ako!" Banta ko sa kanya.
"Tuturuan kita ng leksiyon. Hindi mo dapat ako pinagod." Pinalo pa niya ang puwet ko.
"E sino bang nagsabing tumakbo ka?"
"Sshhh...ang ingay mo."
Nakita kong paakyat na kami ng hagdan kaya nanahimik muna ako at baka malaglag pa kami.
Pagkalapag niya sa akin sa kama ay pinaghahampas ko siya sa braso.
"Kainis ka! Nakakahilo kaya! Ikaw kaya ang buhatin ko ng nakabaliktad!" Nangangalaiting sabi ko pero kunwari lang.
Tumawa lang siya habang sinasalag ang paghampas ko. Natigil ako nang yakapin niya ako sabay halik sa labi ko. Hmm. Isa pa naman yun sa mga kahinaan ko.
BINABASA MO ANG
Wanted: Virgin Wife
General FictionI don't want anyone hanging around the woman who, for the first time, caught my attention. Whether I lose or win, whether she's virgin or not. I need to get her. By hook or by crook. - Randalf Villegas [WARNING: Mature Content] (R-18) Read at your o...