Chapter 5

14.3K 395 26
                                    

Chapter 5

Randalf POV

Hindi ko sigurado kung effective ang plano ko pero sa tingin ko ay interesado siya sa fake ad ko. I'm not that stupid to look for applicants because I only aim for just one girl who made me sleepless last night.

Venice.

Lihim akong napangiti. There's really something in her that made me restless that's why I came up with that idea. She stirred some emotions inside me na hindi ko pa mabigyan ng pangalan sa ngayon. Kakaiba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko na pa-demure na akala mo'y santa pero yun pala nasa loob ang kulo.

Natawa ako ng sabihin niyang virgin pa siya at wala pang nakakatusok sa kanya. Napailing ako. Crazy girl. She really has no filter but I like her more beacause of that. She is not the kind of girl who try to impress others just to please them. Hindi siya mapili at hindi rin siya sobrang confident sa sarili. Pinapakita niya kung ano talaga siya. She's really beautiful and smart. And she's sexy in her own way. Hmmm.

Kung hindi man umepekto ang plano, mag-iisip pa rin ako ng ibang paraan mapasaakin lang siya. Alam kong pananamantala ang ginagawa ko dahil alam kong may malaking pangangailangan siya pero iyon lang ang naisip kong paraan para mapapayag siya.

Parang hindi na ako ang Randalf na kilala ko. A guy who swore on his life na hindi kailanman magpapatali kahit kaninong babae. Pero kung siya ang mapapangasawa ko, willing akong i-give up ang pagiging binata ko.

Damn that woman! What did she do to me?

Tsk.

Palabas na ako ng pinto ng marinig kong tinawag niya ako.

Randalf!"

Kunot-noong lumingon ako sa kanya.

"What is it this time? Hurry up!" Kunwa'y impatient kong sabi.

Parang alanganin pa siyang sumagot. "Uhm...uh...I-I want to....a-apply?"

Gusto kong humalakhak nang marinig ko ang sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinanatili ko lang seryoso ang mukha ko para hindi niya mahalata na natuwa ako sa sinabi niya. Nang hindi ko na natiis ay tumalikod ako para pakawalan ang malaking ngiti na pumunit sa bibig ko.

Haha! Effective!

Maya-maya'y humarap uli ako pagkatapos ma-compose ang sarili ko sabay sabing, "I'll think about it."

Hindi ko na nakita ang reaksiyon niya dahil tuluyan na akong tumalikod at bumaba na. Nang makarating na ako sa loob ng sasakyan ko ay saka ko lang pinakawalan ang tawang kanina ko pa pinipigilan. Daig ko pa ang baliw na mag-isang tumatawa.

Venice...Venice...look what you are doing to me, woman.

In-start ko na ang kotse ko at pinasibad. Pupunta ako kay Tavi. Sasabihin ko sa kanya ang plano ko dahil siya lang ang medyo matinong kausap sa mga kaibigan ko.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Tavi ng pagbuksan niya ako ng pinto sa condo niya.

Hindi ko siya pinansin at tumuloy-tuloy lang sa sa mini bar niya at nanguha ng whiskey. I badly needed a drink right now kahit tanghaling tapat. Kumuha ako ng baso na may yelo at nagsalin ng alak.

Sumunod siya sa akin at nagsalin din ng alak sa baso niya.

"So what made you come here?" Tanong ulit niya at naupo sa stool na nasa breakfast bar niya.

Sumandal ako doon at sumimsim ng alak bago nagsalita. "Do you remember the girl last night?"

"Uhumm, what about her?"

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon