Chapter 12

12.5K 336 31
                                    

Chapter 12

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Nakangiting mukha ni Randalf ang namulatan ko na kanina pa yata nakatunghay sa akin.

"Good morning, wifey." Medyo husky ang boses na bati niya.

Tinakpan ko muna ang bibig ko bago sumagot. "Morning."

Nakadantay ang isang hita niya sa puson ko at base sa pandama ko ay pareho pa rin kaming nakahubad sa ilalim ng kumot. Namula ang mukha ko ng maalala ang nangyari kagabi kaya agad kong itinakip mga kamay sa mukha.

Natawa siya saka ako hinalikan ang ibabaw ng kamay ko. "Don't be shy, wifey. Last night was the best night of my life." Anas niya sa tainga ko.

Lalo akong namula sa sinabi niya at akmang babangon pero hinapit niya ako sa baywang.

Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha. "Um, ano...p-pupunta ako sa cr."

"Sabay tayo." May gumapang na kiliti sa katawan ko nang halikan niya ang leeg ko at inipit ng labi ang balat doon.

Pinigilan ko ang sariling mapaungol. Unti-unti na kasing nabubuhay ang init sa katawan ko lalo na ng kumiskis sa balakang ko ang alaga niyang buhay na buhay na. Buong lakas kong tinulak ang mala-pader niyang dibdib saka bumangon.

Kaso wrong move. Tumambad ang hubad kong katawan sa kanya at hindi nakaligtas sa akin ang pagnanasang nakarehistro sa mukha niya habang nakatingin sa dibdib ko. Hinaklit ko ang kumot para ibalot sa katawan ko at tumayo. Pero mas wrong move dahil tumambad naman sa akin ang hubad niyang katawan.

Pero hindi man lang ito nag-abalang takpan iyon. Sa halip ay ngumisi pa ito at nag-pose paharap sa akin na parang modelo sa isang magazine. Kitang-kita ko tuloy ang malapad niyang dibdib at ang namimintig na abs. Nanlaki ang mga mata ko ng bumaba ang tingin ko sa...sa malaking 'ano' niya.

Oh gahds! 'Yon ang tumusok sa akin kagabi?!

Hindi na ako magtataka kung bakit masakit pa rin hanggang ngayon ang gitna ko.

"Just come here, wifey, and you'll get it."

Namula ang mukha ko at ibinalik ang tingin sa nakangising mukha ni Randalf. Kumindat pa ang walanghiya.

Ah, ganun ha?! Sige, tingnan natin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at marahang ibinaba ang kumot na nakabalot sa akin habang nakatingin ng seductive sa kaniya. Nawala ang ngisi sa mukha niya at nakita kong nagbaba-taas ang kaniyang adam's apple.

Napaawang ang labi niya ng tuluyang malaglag ang kumot sa sahig.

"Come here and you'll get it." Ginaya ko ang sinabi niya saka kumindat. Pero bago pa man siya makabangon ay tumakbo na ako papuntang banyo at ni-lock iyon. Napahagikgik na lang ako sa kapilyahan ko.

Ano ka ngayon, ha?

Napaigtad ako ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto.

"Wifeyyy..." Parang batang angal niya. "Open the door, please?"

"Tse! Manigas ka d'yan!" Pigil ang tawang sigaw ko sa kanya.

"Sige ka, maninigas talaga ako dito!"

"E di mabuti!" Tinutop ko ang bibig ko dahil natatawa talaga ako.

"Iiyak ako!"

"E di umiyak ka!"

"Wifeyyy...Mamamatay na ako! Ahk..ahk!" Sabi pa niyang tila nasasakal.

"E di mamatay ka!"

"Di, joke lang. Mamahalin mo pa ako eh." Ano daw? "Bilisan mo d'yan ha!"

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon