Chapter 2
Randalf POV
"How about that one?" Tanong ni Tavi (short for Octavio) sabay turo sa babaeng kapapasok lang.
Tiningnan nila ang babaeng tinuturo niya. Maputi at sexy ang babae pero halos kita na ang kaluluwa sa suot na hapit na red tube dress. Sobrang iksi niyon na pag tumuwad ay tiyak na kita na ang underwear at parang pinaduguan ang labi sa sobrang pula.
"Nah, I bet, not anymore." Sagot ni Perci (short for Percival).
"How about 'yung babaeng kasama niya?" Tanong naman ni Enz (short for Lowrenz).
Pinagpupustahan nila ang bawat babaeng pumapasok kung virgin pa ang mga ito o hindi. Ayokong makisali sa walang kwenta nilang pustahan dahil panigurado naman akong wala ng babaeng virgin na pupunta ng bar. Just based from my experience.
Friday ngayon kaya 'andito na naman nakatambay ang mga mokong sa bar na pag-aari ko. Nasa mataas na bahagi kami nakaupo kaya kita namin ang bawat taong pumapasok.
"Ano sa tingin mo, Rand?" Baling sa akin ni Tavi.
"Count me out." Walang interes kong sagot sa kanya. Patamad akong nakaupo habang sumisimsim ng whiskey. Sama pa daw nila ako sa kagaguhan nila.
"KJ nito! C'mon, dude. It's fun!"
"Baka nakatikim 'yan ng virgin kagabi kaya ganyan!" Buska naman ni Enz.
Nagtawanan sila pero hindi ko sila pinansin. Wala ako sa mood dahil naaalala ko na naman ang sinabi ni Lolo Jaime kahapon.
"Wala kang makukuhang kahit na anong mana mula sa akin kung hindi ka magtitino, Randalf! Malapit ka ng mawala sa kalendaryo pero asal-binatilyo ka pa rin! Sabi ni Adrienna, iba na naman daw ang kasama mong babae kahapon! Hindi ko ibibigay ang pamamahala ng kompanya kung hindi ka magiging responsable!"
Tsk. Damn that old man!
Anong magagawa ko? E sa ganito ako eh. Saka ang mga babae naman ang lumalapit sa akin. Pinagbibigyan ko lang sila.
"Why don't you ask her if she's still a virgin?" Narinig kong hamon ni Perci kay Enz.
"Magkanong ipupusta mo?" Tanong naman ni Enz.
"Ten thousand kung hindi na siya virgin."
"Twenty thousand if she's still a virgin." Sabi naman ni Tavi.
Malalakas na ang loob nila dahil sa alak na nainom. Ako lang siguro ang hindi pa lasing dahil isang baso pa lang ang naiinom ko.
Susuray-suray na tumayo si Enz at bumaba. Lumapit siya sa babaeng kasama ni red girl at nakipag-kilala sa dalawa. Halatang kinikilig ang mga ito ng makita si Enz dahil sadyang malakas din ang appeal nito sa mga babae. Pero nagulat kami ng bigla na lang itong sampalin ng babae at saka binuhusan ng alak sa mukha. Nagtawanan sila Perci at Tavi at kahit ako'y natawa.
Loko, 'yan ang napala mo.
Kantiyaw ang inabot niya sa dalawa pagbalik sa table namin.
"Woooh, wala ka pala eh!"
"Shit, dude! Na-devirginize ang gwapo mong mukha!"
Itinaas niya ang middle finger. "Fvck you! Pag kayo naman, tatawanan ko din kayo!"
Napangisi na lang ako sa kanila. Habang nagtatawanan ang tatlo ay siya namang pagpasok ng isang babae. Hindi nila iyon napansin dahil abala pa sila sa pagkantiyaw kay Enz.
Naupo ang babae sa stool bar at saka luminga-linga na parang nagmamasid.
Kakaiba ang babaeng iyon sa lahat ng pumapasok dahil sa suot nito na parang napag-utusan lang na bumili sa grocery store. Maganda ang babae at balingkinitan ang katawan, pero mas higit na naka-agaw ng atensiyon ko ang pagiging simple nito. Maamo ang mukha nito na lalong lumutang dahil wala itong kolorete sa mukha. Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya at parang may humihila sa akin na lapitan siya pero pinigilan ko ang sarili.
BINABASA MO ANG
Wanted: Virgin Wife
General FictionI don't want anyone hanging around the woman who, for the first time, caught my attention. Whether I lose or win, whether she's virgin or not. I need to get her. By hook or by crook. - Randalf Villegas [WARNING: Mature Content] (R-18) Read at your o...