Chapter 7

14.5K 396 32
                                    

Chapter 7

Dear future husband,
Here's a few things
You'll need to know if you wanna be
My one and only all my life

(Awwwww)
Take me on a date
I deserve it, babe
And don't forget the flowers every anniversary
'Cause if you'll treat me right
I'll be the perfect wife
Buying groceries
Buy-buying what you need

Sinasabayan ko ang kanta ni Meghan Trainor habang nagluluto ng hotdog at bacon para sa almusal namin ni Randalf. Wala naman kasi akong pwedeng mailuto dahil hindi wala ng stock sa ref. Kailangan ko palang ipaalala sa kanya mamaya na mamili siya ng stock. Ginawa ko pang mic ang syansi na hawak ko habang kumakanta.

You got that 9 to 5
But, baby, so do I
So don't be thinking I'll be home and baking apple pies
I never learned to cook
But I can write a hook
Sing along with me
Sing-sing along with me (hey)

You gotta know how to treat me like a lady
Even when I'm acting crazy
Tell me everything's alright

"Ay! Anak ng hotdog!" Nagulat ako ng biglang may humalik sa batok ko kaya natigil ako sa pagkanta. Naka-bun ang buhok ko kaya expose na expose ang batok ko.

Pagharap ko ay ang pilyong ngiti ni Randalf ang bumati sa akin at natatawa pa.

"Di pa nga tayo kasal ang dami mo na agad demand." Nanunudyong sabi niya habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. Ang tinutukoy niya panigurado ay ang kinakanta ko kanina. Pawisan ang katawan nito na halatang kagagaling lang mag-work out. Mabango pa rin siya kahit basang-basa ng pawis ang suot niyang sando. Unfair!

Tinaasan ko siya ng kilay. "Well, nasa'yo naman kung susundin mo eh." Ginaya ko ang gesture niya.

"Then get ready after our breakfast. I'll buy you groceries, my dear future wife." Sabi niya sabay kindat bago tumalikod. Tototohanin talaga?

Tss.

Hindi ko maiwasang sundan ng tingin ang maskulado niyang likod lalo na tambok ng kanyang pang-upo. Lalaking-lalaki. Ang sarap gawing punching bag. Lihim akong napahagikgik.

Bigla siyang lumingon sa akin kaya huling-huli niya akong nakatingin sa puwet niya.

"Come and get it, future wife!" Nakangising sabi pa niya. Bigla akong pinamulahan ng mukha kaya naibaling ko tuloy ang tingin sa kisame na para bang iyon ang pinaka-interesting na tanawin maliban sa puwet niya. Narinig ko pang tumawa siya bago siya tuluyang pumasok sa kwarto niya.

Hayyst! Kainis talaga! Baka isipin niya pinagnanasaan ko pati ang pwet niya. Hmp!

Totoo naman eh! Sabi ng malanding konsensiya ko.

Hindi kaya! Deny naman ng 'beergin' conscience ko.

Nataranta ako nang may maamoy akong tila nasusunog kaya dali-dali kong pinatay ang kalan.

Shems! Nagmistulang panggatong na uling ang hotdog na niluluto ko. Pwede ng gawing blackmarker sa sobrang itim.

Anak ng pwet naman oh! Anong almusal namin ngayon?

Kakaunti lang 'yong bacon at kahit sa akin ay kulang pa 'yon. Kahit nanghihinayang ay ini-shoot ko sa trash bin ang charcoal este ang hotdog saka hinugasan ang pinaglutuan ko. Hindi ko na lulutuin ang bacon. Yayayain ko na lang kumain sa labas si mokong. Tama.

Alanganin pa akong kumatok sa kwarto ni Randalf pero ginawa ko na rin. Nakailang-katok muna ako bago bumukas ang pinto. Halatang bagong ligo pa ito dahil nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa ulo at katawan nito.

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon