Chapter 8

13.9K 390 25
                                    

Chapter 8

Naisipan naming mag-lunch muna sa isang resto bago umuwi. Habang naghihintay ng inorder namin ay may lumapit na namang babae sa table namin. Maputi ang babae at halatang sosyalin.

Kahit saan na lang ba kami pumunta ay may susulpot na babae? Tsk. Iba talaga ang kamandag ng Randalf na 'to.

"Hey, Randy! I missed you! How are you?" Halatang pinaarte pa ng babae ang pagkakasabi.

Tss. Ang haba naman ng leeg, parang giraffe.

Nginitian din ito ni Randalf. "Oh, hi Sandy!"

Pati name nila magka-rhyme. E di wow. Kinuha ko ang menu para kunwari'y wala akong pakialam sa kanilang dalawa pero ewan ko kung bakit parang iritable ako. Siguro napapangitan ako sa lipstick ng babae, masyadong makapal eh o kaya sa dibdib nitong puputok na sa sobrang sikip ng dress.

"By the way, this is Venice, my wife." Bigla akong napatingin kay Randalf nang marinig ko ang sinabi niya.

Bakit pinakilala na naman niya akong asawa niya?

Halatang nagulat ang babae sa sinabi niya katulad ng naging reaksiyon ng babae sa supermarket. At kung kanina'y hindi man lang ako tapunan ng tingin, ngayo'y titig na titig siya sa akin.

Kapagkuwa'y tumaas ang isang kilay nito. "Oh, I thought she's your maid." Sabay ismid.

Maid?? Sa ganda kong 'to?? Pero hindi na ako nag-react dahil may katotohanan naman ang sinabi niya. E ano naman ngayon? Tinaasan ko na lang din siya ng kilay.

Tumikhim si RAndalf kaya naputol ang staring contest namin ng mahadera.

"No, she's not!" May conviction sa boses niya ng sinabi niya iyon kaya nakaramdam ako ng victory. "Why are you here anyway?"

Tinapunan muna ako nito ng nakakasuyang tingin bago sumagot. "Well, I was just passing by when I saw you and I thought we could catch up, you know. But unfortunately hindi na mangyayari 'yon. But anyway, I wish you goodluck!" Parang sa akin nito pinapatungkol ang huling sinabi bago walang paalam na tumalikod.

Natawa ako sa itsura ng babae dahil nawala ang poise nito sa pagmamaktol. Pagtingin ko kay Randalf ay nakita ko siyang iiling-iling.

"Ang galing mo ha. Dalawang bangus agad ang nadispatsa mo ngayong araw at ako pa talaga ang ginawa mong rason." Natatawang sabi ko sa kaniya.

Ilang babae pa kaya niya ang mai-encounter ko?

"Bangus talaga?" Tumawa siya. "Well, I have to. She's just one of my flings." Sabi na nga ba eh. "They know about it, so no hard feelings. And kailangan ko ng magtino if I want to get my inheritance, remember?"

Oo nga pala, sinabi na niya sa akin dati.

Kaya 'wag kang ilusiyonada na gusto ka talaga niyang mapangasawa. Mana lang talaga ang habol niya.

Dumating na ang inorder namin kaya medyo natahimik kami.

"Will you marry me?"

Bigla akong napatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Parang kahit siya'y nabigla na tanong niya.

Nakita kong namula siya. "I-I mean, I was talking about my ad. You need money, right? And, um, I want my inheritance. So, um yeah, that's it."

Medyo nakaramdam ako ng disappointment sa sinabi niya kahit pa alam kong may katotohanan iyon. Siguro kailangan kong mag-stick sa kung ano talaga ang dahilan kung bakit inaalok niya ako ng kasal. Tama naman siya, kailangan ko talaga ng pera. Bahala na siya kung anong isipin niya tungkol sa akin. Pareho lang kaming makikinabang.

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon