Chapter 6

13.3K 415 52
                                    

Chapter 6

Venice POV

Ang ganda ng panaginip ko. Hinalikan daw ako ng gwapong lalaki. Siyempre hindi na ako nagpakipot pa kaya hinalikan ko na rin siya lalo na ng maramdaman kong marahan niyang kinagat ang ibabang labi ko. Na-arouse ako kaya hindi ko napigilang umungol at makipag-sabayan ng halik.

Bah, bihira lang ako managinip ng ganito noh.

Teka, ba't parang amoy-alak ang hininga niya? At bakit parang nagiging kamukha ng mayabang na Randalf na 'yon ang lalaki?

Dinilat ko ang mga mata ko at tuluyang nanlaki ang mga iyon. Totoong hinahalikan ako ng damuho!

Bigla ko siyang naitulak kaya napaupo siya sa sahig.

"Kyaaaaaaaaaahh!" Di napigilang sigaw ko. Napabangon ako ng upo saka naniningkit na tiningnan ko siya. "Ba't mo 'ko hinalikan?!"

Ngumisi lang siya at prenteng naupo pa. "Sabi mo halikan kita."

Sinabi ko ba 'yon? Wala naman akong naalalang dayalog na ganun sa panaginip ko ah!

"Hoy, lalaki! wala akong sinabing ganyan noh! Saka ba't andito ka? Kala ko ba maghahanap ka pa ng mga applicant mo?"

Nakahanap na kaya siya?

Ngumisi lang uli siya saka tumayo na. "Well, I have a good news for you, tanggap ka na. Tinamad na akong maghanap ng mga applicant, so naisip ko, pwede na kitang pagtiyagaan."

Ganun??? Ang kapal talaga!!!

Biglang nangibabaw ang pride ko. Tumayo na rin ako at pinamaywangan siya.

"Well, bad news for you, hindi na ako interesado diyan sa ad mo! Tse!"

Napaatras ako ng lumapit siya sa akin pero bumangga na ang likod ng tuhod ko sa kama kaya napatingin na lang ako sa kanya. Hinapit niya ako at halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Too late, future wife, hindi ka na pwedeng umatras." Anas niya sa akin at lalo pa niya akong hinapit.

Nadi-distract ako sa sobrang pagkakalapit namin kaya napalunok na lang ako. Hindi ko na nagawang makapagsalita ng bigla na lang niya akong halikan. Mapusok. Napapikit na lang ako sa sensayong hindi ko maipaliwanag.

Ghad, bakit ang sarap niyang humalik? Ba't parang nag-iinit ako? May kung anong aktibidad na nangyayari sa loob ng puson ko. Ito ba ang tinatawag nilang arousal?

Hindi ko na namalayang tinutugunan ko na pala ang halik niya saka kinawit ang braso sa leeg niya. Gusto kong gawin ang ginawa niya kanina kaya marahan ko ring kinagat ang ibabang labi niya at binasa iyon ng dila ko. Lihim akong napangiti ng marinig kong umungol siya at lalo siyang ginahan sa paghalik.

Napakunot-noo ako ng bigla siyang bumitaw sa paghalik sa akin kaya muli kong dinilat ang mga mata. Tumambad sa akin ang nakangisi niyang mukha.

Ugh! Ansarap lamutakin ng mukha niya!

"We really do have a chemistry, future wife." Sabi pa niya bago ako binitawan.

Pakiramdam ko'y namula ang lahat ng pwedeng mamula sa akin. Tinulak ko siya palayo sa akin pero hindi siya natinag.

Waaaaaaaah! Ba't naman kasi ang bilis kong bumigay sa kanya?

Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya dahil hindi pa rin ako ako tuluyang nakaka-recover sa halikan namin kanina. Pakiramdam ko'y nanlalambot ang mga tuhod ko.

Tinungo na niya ang pinto pero may pahabol pa siya. "My dear future wife, it was your fault I got a boner. I think I have no choice but to call the magic hand." Kumindat muna siya bago tumalikod.

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon