Chapter 20

19.4K 463 143
                                    

Chapter 20

Naalimpungatan ako sa mga boses na tila nagtatalo. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kwarto ni Randalf. Pagdating kasi namin kanina ay dito na ako dumiretso. Gusto sana akong i-tour ni Randalf sa buong kabahayan pero tumanggi ako. Kinakabahan kasi akong baka makasalubong ko yung lolo niya.

Muntik pa akong malaglag sa kama sa sobrang gulat nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa niyon ang nakabusangot na Randalf.

Mukhang maaga akong aatakehin sa puso pag nagstay ako dito ng matagal.

Naupo si Randalf sa gilid ng kama. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya bago bumaling sa akin.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya.

Umiling ako.

Sa totoo lang, gutom na ako pero natatakot talaga akong lumabas at makita ang terror na lolo niya.

"Ok ka lang?" Tanong ko.

Tumango siya pero nanatili siyang nakayuko. Tumabi ako sa kanya saka kinalabit siya.

"P-pwedeng umuwi na lang ako?" Alanganing tanong ko.

Tumingin siya sa akin saka kumunot-noo. "Why?"

"Kinakabahan kasi ako sa lolo mo eh."

"Tss."

Patamad siyang humilata pahalang sa kama. Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya kaya tumabi ako sa kanya. Umunan ako sa balikat niya saka iniyakap ang isang braso sa kaniyang baywang. Pakiramdam ko safe ako basta kasama ko siya.

Medyo kabado talaga ako sa lolo niya.

Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Stop thinking too much, okay?"

Hmp. Paanong hindi ako magiisip eh isipin lang na magkikita kami ng kanyang dear lolo ay parang naiihi na ako.

Hayst!

Ilang sandali kaming natahimik.

Mayamaya'y nakarinig kami ng katok sa pinto kaya agad akong napabangon ng upo.

"Sir Randalf? Kakain na daw po sabi ni Senyor." Anang tinig sa labas na malamang ay sa katulong.

Omg, this is it, pansit.

Halos makipaghilahan pa ako kay Randalf bago lumabas ng kwarto. Saka lang ako napahinuhod nang sabihin niyang siya ang bahala sa akin. Di ko na nga na-appreciate ang interior ng bahay sa sobrang kaba. Bigla akong pinagpawisan ng malapot mula ulo hanggang paa habang papunta sa kusina. Pakiramdam ko'y isa akong kriminal na hahatulan ng kamatayan.

Parang gusto kong tumakbo palayo nang makita ko ang isang matandang kalbo na nakaupo sa kabisera ng mahabang lamesa. Daig pa nito si Heneral Luna sa pagka-straight ng upo. Marahil ay humigit-kumulang sitenta na ang edad nito. Mestiso ito at halatang habulin ng babae nung kabataan pero wala akong makitang bakas ng
kabaitan sa mukha nito.

Dumilim ang mukha nito ng makita kaming dalawa o siguro'y ako lang kaya lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Randalf. Inalalayan niya akong makaupo saka siya naupo, yung malapit banda sa lolo niya.

"'Lo, si Venice ho." Pakilala niya sa akin pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng matanda. Sa halip ay tumingin lang ito kay Randalf.

"Talagang ipinangalandakan mo pa sa akin ang babae mo." Anito sa matigas na tinig.

"Lo, she's not--"

"O gusto mo lang ipamukha na kayang-kaya mo akong suwayin?" Putol nito sa sasabihin sana ni Randalf.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon