Chapter 15

12.6K 309 22
                                    

Chapter 15

Parang gusto kong kurutin sa singit ang sarili ko, hindi ko kasi alam kung anong hangin ang pumasok sa utak ko. Muntik na akong mag-confess kay Randalf kahapon at hanggang ngayon kinakastigo ko pa rin ang sarili ko. Buti na lang at narendahan ko pa rin ang sarili ko.

Sino ba naman kasing matinong babae ang unang magtatapat ng feelings sa lalaki? Paano kung hindi naman pala mutual yung feelings namin, e di pahiya pa ako? Paano kung sadyang sweet lang talaga si Randalf sa kahit sinong babae? Kahit nga kay Nay Vera e sobrang sweet din niya.

Oo nga, given na obvious na yung signs, pero mas maganda pa rin na sa kanya manggaling yun. Ayokong maging assumera at magmukhang desperada.

Ilang linggo pa lang kaming magkakilala, pero alam ko na sa sarili ko na mahal ko na siya. E siya kaya?

"Anong iniisip mo?" Untag sa akin ni Randalf. Kasalukuyan siyang nagda-drive pero di ko alam kung saan kami pupunta.

Tumingin ako sa kaniya. "Ah wala."

"Siguro iniisip mo kung gaano ako ka-gwapo, 'no?" Tudyo niya.

Pabiro ko siyang inirapan. "Asa! Saan ba tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng usapan. Baka masabi ko kasi kung anong iniisip ko kanina.

"You'll see. Just relax and enjoy my presence." Sumulyap siya sa akin sabay kindat.

"Tss."

Nanahimik na lang ako at in-enjoy ang nadadaanang view, siyempre pati ang presence niya. Halos isang oras yata kaming bumiyahe bago kami tuluyang huminto sa tapat ng isang lodge o guesthouse.

Nauna na akong bumaba sa kaniya dahil naakit ako sa mala-botanical garden na paligid niyon pero mas namangha ako dahil malapit iyon sa dagat kaya hindi maitatago ang pangingislap ng mga mata ko. Tanaw sa kinatatayuan ko ang malinaw na tubig ng dagat na parang nang-iimbita sa sinumang makakakita. Tila kumikinang iyon dahil sa sikat ng pang-umagang araw. Lumapit pa ako hanggang sa may railing para lalo kong makita ang kabuuan. Napaka-romantic ng ambiance.

"Do you like it?" Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Randalf. Pagtingin ko sa kaniya ay parang proud siya sa sarili na nagustuhan ko ang lugar na pinagdalhan niya sa akin.

"Sobra. Ang ganda!" Pinagsalikop ko ang dalawang kamay at parang na-starstruck na tumingin muli sa dagat.

"I'm glad you liked it." Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang baba sa ulo ko. Sumandal ako sa dibdib niya at ninamnam ang init ng katawan niya, este ng araw.

"Hindi naman halatang gustong-gusto mo ang dagat." May amusement sa tinig niya.

Humagikgik ako. "Gustong-gusto ko talaga ang dagat. Pati ang falls, ilog, sapa saka ang ocean!" Parang batang sabi ko pa.

Natawa siya. "Bakit naman?"

"Mahilig kasi akong lumangoy kaso bihira lang ako makapunta sa ganito kaya thank you talaga."

"You're very much welcome, wifey." Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Napapikit ako dahil muli ko na namang nararamdaman ang signs.

Medyo mahapdi na sa balat ang sikat ng araw kaya niyaya na niya akong pumasok sa loob. Magiliw kaming sinalubong ng isang babae na nasa late thirties na ang edad na nakilala kong si Ate Ruby.

"Aba'y kaganda naman ng asawa mo, Randalf!" Magiliw nitong sabi. Namula ako dahil hindi ako sanay sa papuri at lalong hindi ko naman sigurado na maganda nga talaga ako kumpara sa mga babaeng nakarelasyon ni Randalf. Kimi na lang akong ngumiti dito.

"Siyempre, Ate Ruby. Pipili ba naman ako ng pangit?" Biro ni Randalf at inakbayan ako. Pakiramdam ko'y ako na si Rapunzel sa sinabi niya. Biglang nag-inflate ang confidence ko at lihim akong napangiti.

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon