Chapter 4

14.4K 401 34
                                    

Chapter 4

Venice POV

Tinapunan ko muna ng huling sulyap ang nakasulat sa bond paper bago patay-malisyang binalik iyon sa dashboard. Napaisip ako bigla. Ito na ba ang sasagot sa mga problema ko?

Hmmm...pasok na pasok naman ako sa lata eh.

Kung mag-apply kaya ako? Di na rin naman ako lugi sa kanya. Gwapo naman siya saka hot. Kung siya ang magpa-pop ng cherry balloon ko, why not?

Tumikhim muna ako bago nagtanong sa kanya. "Sayo ba yun?"

"Ang alin?" Tanong din niya saka sumulyap sa akin. Alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

"Yun." Sabay nguso sa bond paper.

"Bakit, gusto mong mag-apply?" Nakangising tanong niya.

Hayyst, bakit kasi tinanong ko pa?

"Baka hindi ka qualified kaya di para sa'yo 'yan."

What?? Over qualified nga ako eh!

"Hoy, kapal mo talaga! Virgin pa ako! Wala pang lalaking nakakatusok sa akin noh!" Walang preno kong sabi. Natutop ko ang bibig ko ng ma-realize ko ang sinabi ko.

Shucks! Ang sagwa naman ng terminology ko!

Narinig kong tumawa siya. "Grabe, tinigasan ako dun ah!"

Napasulyap ako sa bulge niya. Oh my, totoo nga! 'Yun pa lang ang sinabi ko ha. Pa'no pa kaya pag nakita na niya ang katawan ko? Whew. Parang bigla tuloy akong nag-init.

"Tse!" Umirap na lang ako sa kanya dahil ramdam ko na naman ang pamumula ko.

"Sige, sige...pag-iisipan ko kung pwede kitang isama sa mga applicant."

Ang yabang talaga ng damuhong 'to!

"Hindi na ako interesado!" Humalukipkip ako. Pero sayang din ang two million, hayy.

Kumibit-balikat ito. "Okay. If ever you change your mind just tell me. Pero bilisan mong mag-isip dahil maraming nakapila." Ngumisi pa ito.

Ang taas talaga ng level ng kayabangan nito. Pero sabagay totoo naman ang sinabi niya. Kahit sino, magkakandarapa na mapangasawa siya tapos may dalawang milyon pa sila.

Natahimik ako saglit habang nakatingin sa labas. Magtitimbang muna ako ng mga bagay-bagay. Kailangan namin ng pera para matubos ang bahay. Kahit siguro mag-prosti ako sa loob ng isang buwan eh hindi ako kikita ng five hundred thousand, tapos kailangan ko pa siyang bayaran ng five kiyaw dahil sa pesteng ininom ko. Ang mahal naman ng alak nila. Sige na nga, mag-a-apply na ako pero hindi ko muna sasabihin sa kanya.

"Bakit mo naman naisipang maglagay ng ads na ganyan?" Maya-maya'y tanong ko sa kanya.

Sumulyap muna siya sa akin bago sumagot. "Simple lang. Malapit na akong mawala sa kalendaryo kaya naisip kong kailangan ko ng mag-settle down. And hindi ko makukuha ang mana ko hangga't hindi ako magtitino according to my dear lolo."

Ah kaya pala. Siguro mas malaki ang makukuha niyang mana kumpara sa ipapamigay niya.

"Bakit kailangan virgin talaga?"

"Siyempre mag-aasawa na lang din naman ako e di mas mabuti na yung hindi pa pinag-sawaan ng iba."

"Ganun? Kahit hindi mo mahal?" Taas-kilay kong tanong.

"Uso pa ba 'yon? Basta satisfied ako sa kama, hindi ko na kailangan 'yon." Ngumingisi pang sabi niya.

Grabe, ang libog talaga niya. Kailangan ko ng pera, kailangan niya ng sex. Magki-click kami for sure. Sabagay, hindi naman ako naghahanap ng love ngayon. I'm too busy for that.

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon