Warning!
S-upper sa-P-py and nau-G-hty(Please skip if this chapter if you're not comfortable with it)
Chapter 17 (R-18)
Pakiramdam ko'y nawalang lahat ng tao sa paligid at kaming dalawa na lang ang tanging natitira habang marahan akong sinasayaw ni Randalf. Hindi ko na napapansin pa ang ilang magkakaparehang sumasayaw din, pati na ang bandang tumutugtog mula sa stage. Tanging si Randalf na lang ang nakikita ko at wala ng iba.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya at pakiramdam ko'y ako na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa sa paraan ng pagtitig niya sa akin, na para bang punong-puno iyon ng paghanga at...pagmamahal?
Hay, nag-a-assume na naman ako. Tss.
Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya na patuloy pa rin sa mahinang pagkanta. Maganda talaga ang boses niya. Napalunok ako ng mapagmasdan ko ang mamula-mula niyang labi na parang nang-aakit na halikan ko at hindi ko na pinigilan ang sarili sa gustong gawin ng isip ko. Kinabig ko ang ulo niya at pinaglapat ang mga labi namin. Halatang nabigla siya sa ginawa ko dahil hindi agad siya nakahuma pero ng makabawi ay unti-unti na rin siyang tumugon sa halik ko.
Wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid. Wala na akong pakialam kung pagtinginan nila kami. Ang mahalaga para sa akin ay ang sarap na dulot ng pinagsasaluhan naming halik, na parang pag-aari namin ang mundo. Ramdam ko ang pagkabuhay ng init sa katawan ko lalo na nang hapitin niya ako ng mahigpit habang ang isang kamay niya ay marahang humahagod sa likod ko.
Bumitaw lang kami nang tila mauubusan na kami ng hangin sa katawan. Pinagdikit niya ang mga noo namin habang pinipilit payapain ang paghinga. Bahagya niyang inilayo ang mukha sa akin para titigan ako at sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya.
"Natuto ka na ha. You really don't ask for my permission anymore." Nangingiting sabi niya sabay halik sa labi ko. "And I like it."
Kumindat pa siya. Mahinang tumawa lang ako at pinisil ang tungki ng ilong niya.
Mayamaya'y bahagyang pumungay ang tingin niya sa akin saka bumulong, "Wifey..."
"Hmmm?"
"I think we need to get out of here."
Natawa ako dahil alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Hindi na ako nakasagot dahil hinawakan niya ang isa kong kamay at hinila papunta sa table namin. Matapos magbayad ay agad na kaming lumabas. Hindi na nga niya kinuha ang sukli sa pagmamadaling makaalis.
Hindi na ako tumutol. Bakit pa? Eh kanina ko pa nga 'to ina-anticipate na mangyari eh.
Lihim akong napahagikgik.Oh shocks! Nagiging nympha na yata ako dahil kay Randalf.
Well, hindi na ako maglilihim pa, simula nung unang gabing may nangyari sa amin ay nasundan pa iyon ng ilang beses lalo na sa gabing magkatabi kami at wala naman akong katiting na pinagsisisihan dun. Ganun nga siguro pag mahal mo ang isang tao, ibibigay mo ang lahat-lahat para dito kahit pa alam mong walang kasiguruhan na may kapalit iyon.
Pagkarating namin sa room ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Wala ng palitan ng salita. Pareho na kaming nagkakaintindihan.
Hinapit niya ako palapit pang lalo sa kanya. Ikinawit ko ang dalawang braso sa leeg niya habang sinusuklian ang mapusok niyang halik. Daig pa namin ang sinisilaban sa init na nararamdaman naming dalawa.
Hindi na kami nag-abalang buksan ang ilaw sa kwarto. Sapat na ang ilaw sa labas at ng buwan para magsilbi naming tanglaw na nakadagdag sa romantic ambiance.
Naramdaman kong umaatras ako hanggang sa bumangga ang likod ng tuhod ko sa gilid ng kama ng hindi naghihiwalay ang labi naming dalawa. Bahagya akong napatili ng buhatin niya ako at pabagsak na ihiga sa kama. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Randalf sa reaksiyon ko.
BINABASA MO ANG
Wanted: Virgin Wife
General FictionI don't want anyone hanging around the woman who, for the first time, caught my attention. Whether I lose or win, whether she's virgin or not. I need to get her. By hook or by crook. - Randalf Villegas [WARNING: Mature Content] (R-18) Read at your o...