Chapter 13

12.6K 337 23
                                    

Chapter 13

"Wifey, saluhin mo 'to!" Sigaw ni Randalf mula sa taas sabay itsa ng mangga sa direksiyon ko. Parang bata ko namang sinambot iyon. May panungkit naman kaso gusto daw niya akong pakitaan ng ninja moves sa pagkuha ng mangga. E di pagbigyan.

Pasikatin si kuya!

"Ayusin mo naman!" Sita ko sa kanya dahil nalaglag sa damuhan ang initsa niyang mangga.

"Butas kasi 'yang kamay mo!"

"Tse!" Pinulot ko na lang ang nalaglag na mangga at nilagay sa maliit na bayong na hiniram namin.

Nandito kami sa malawak na bakuran ni Nay Vera kung saan may mga nakatanim na puno ng mangga. Mukha iyong kubo sa labas pero fully-furnished ang loob. Pinagawa umano iyon ni Randalf para kay Nay Vera hindi kalayuan sa manison. Gusto nga daw sanang lakihan iyon ni Randalf kaso mas gusto ng matanda ang maliit at simple lang basta komportable siya. Hindi na ito nakapag-asawa kaya itinuring na niyang anak si Randalf.

"Mga anak, mananghalian muna kayo bago kumain ng mangga." Narinig kong tawag ni Nay Vera. Nakita ko siyang naghahain ng pagkain sa lamesa na nasa balkonahe ng kubo niya.

"Sige ho, susunod na kami." Sagot ko saka binalingan si Randalf na pilit inaabot ang kumpol ng mangga. "Uy, mokong, bumaba ka na daw d'yan!"

"Saglit na lang 'to!"

"Hmp! Bahala ka na d'yan! Tutulungan ko lang si Nay Vera." Tumalikod na ako.

Nakakailang hakbang pa lang ako ay tinawag na naman niya ako. "Wifey!"

Tiningala ko siya. "O problema mo?"

Hindi siya sumagot sa halip ay pinakita niya ang dalawang mangga at pinagdikit iyon kaya nag-korteng puso.

"Ano naman 'yan?" Kunwa'y tanong ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi mo alam 'to?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Obvious ba, mangga?" Gusto kong matawa sa frustration na nakarehistro sa mukha niya.

"Tss. Slow mo naman! Saluhin mo na nga lang!" Sabay hagis sa akin. Muntik pa akong matamaan sa mukha.

Hmp! Ibato ko kaya sa mukha niya 'to!

Pinulot ko na lang ang hinagis niya saka ini-shoot sa bayong at tuluyan na siyang iniwan. Nakita kong nakatanaw sa amin si Nay Vera at nangingiti.

"Nay, anong maitutulong ko?" Tanong ko nang makalapit.

"Wala na, anak, tawagin mo na lang si Randalf at baka mahulog pa sa puno 'yun." Anitong nilalatag ang mga plato.

Mukhang tapos na nga siyang maghain kaya binalikan ko uli si Randalf.

"Kakain na daw sabi ni Nay Vera! Bumaba ka na daw d'yan at baka malaglag ka pa." Sigaw ko kay Randalf.

Tumingin siya sa akin. "Okay lang malaglag, sasaluhin mo naman ako eh!" Kumindat pa ang mokong.

Psh. Asa.

Nakita kong ibinulsa sa cargo shorts niya ang ilang manggang hawak at saka dahan-dahang bumaba na. Halos anim na talampakan na lang ang taas niya nang biglang dumulas ang isang paa niya. At dahil may hawak ang isa niyang kamay ay hindi agad siya nakakapit. Napasigaw ako nang tuluyan siyang malaglag sa damuhan kaya agad ko siyang dinaluhan.

"Oh my God! Okay ka lang ba? Kakasabi ko lang kanina eh! Feeling mo kasi si Spiderman ka!" Sermon ko sa kanya.

Kinabahan ako nang wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero nanatili lang siyang nakapikit. "Randalf? Uy!"

Wanted: Virgin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon