Chapter 14
Hindi kami natuloy pumunta sa dagat ngayon dahil nasira ang tiyan ko kagabi at kanina lang tuluyang bumuti ang pakiramdam ko. Nilantakan ko kasi ang mga manggang kinuha namin kahapon. Ayun, naging instant bff tuloy kami ng banyo.
Alas-singko pa lang naman ng hapon at pwede pang lumabas pero ayaw akong payagan. OA naman kasi ang pagka-worry ng isang kasama ko dito. Kailangan ko muna daw magfull-rest. Psh.Daig ko pa ang nagkasakit ng malala.
Kaya eto ako ngayon, nakamukmok lang sa kwarto habang nakadapa pahalang sa kama at kandahaba ang nguso sa pagmamaktol. No choice naman ako kundi sundin siya dahil hindi ko naman alam kung paano pumunta dun.
Natigil ang pagsisintemyento ko nang lumabas mula sa banyo si Randalf na nakatapis lang ng tuwalya sa baywang na bagong paligo at sumisipol-sipol pa. Parang may kung anong sumipa sa tiyan ko ng makita ko ang mala-adonis niyang katawan kasabay niyon ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya.
Para ano pa? E para na rin akong nanununod ng live Bench fashion show at free entrance fee pa. May mangilan-ngilang tubig pang pumapatak sa katawan nito na dumagdag sa effect.
Nahigit ko ang hininga nang bigla na lang niyang tanggalin ang nakatapis na tuwalya at tumambad ang hubad niyang likod. As in fully exposed naked butt! Parang normal lang sa kanya yun samantalang halos mag-hyperventilate na ako.
Sinasadya ba niya 'yun? Dahil kung oo, effective ang ginagawa niya. Parang biglang uminit ang paligid ko. Naalala ko tuloy ang ginawa namin nung isang araw na lalong nagpainit sa katawan ko.
Oh gahd! Bigyan n'yo po ako ng lakas ng loob at tatag na malampasan ang temptasyon na nakahain sa harap ko ngayon.
Bakit ba kasi ang super hot ng hubby ko? Parang ang sarap, sarap, sarap niyang--
Tss. Ang halay yata ng iniisip ko ngayon.
Lihim akong ibinuga ang hangin na kanina pa yata naipon sa baga ko nang magsuot na siya ng brief at shorts. Agad kong ibinaling sa ibang direksiyon ang paningin ko nang bigla siyang humarap sa akin. Ramdam kong namumula ang mukha ko.
Lumapit na siya sa akin.
"Wifey, are you okay now?" Kaswal niyang tanong na parang wala siyang ginawang fashion show kani-kanina lang. Naupo siya sa gilid ng ulo ko kaya amoy ko ang bodywash na ginamit niya na lalong nagpa-init sa nararamdaman ko.
Tiningala ko siya. "Um, o-okay na ako."
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at inipit sa likod ng tainga ko. "Are you hungry? Wait, I'll make something for you."
Hindi na niya ako hinintay sumagot. Tumayo na siya at lumabas na ng kwarto. Pagkalapat ng pinto ay agad akong bumalikwas ng upo para mag-breathing exercise.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Grabe na yata ang epekto niya sa akin na kahit amoy lang niya ay sobra-sobra na ang pag-iinit ng katawan ko. Dagdag pa ang tila kuryenteng dumadaloy sa katawan ko pag nagdidikit ang mga balat namin.
Nang bumalik na sa normal ang paghinga at temperatura ng katawan ko ay nagpasiya akong maligo na rin. Baka sakaling mahugasan din ang kahalayan na nabubuo sa utak ko.
Habang naliligo ay naalala ko na naman ang sinabi ni Nay Vera sa akin na mahal din ako ni Randalf. Mula ng sabihin iyon ni Nay Vera ay nakasubaybay na ako sa mga kilos nito. Nakikita ko at nararamdaman ko na base na lang sa pagiging sweet, caring at thoughtful niya sa akin sa loob ng panahong nagkasama kami lalo na kagabi. Halos siya pa ang di magda-ugaga sa pag-asikaso sa akin. Sa totoo lang, kahiya-hiya ang ganung eksena para sa akin pero hindi ko iyon naramdaman sa kanya. Mas lalo nga yata kaming naging close dahil doon.

BINABASA MO ANG
Wanted: Virgin Wife
General FictionI don't want anyone hanging around the woman who, for the first time, caught my attention. Whether I lose or win, whether she's virgin or not. I need to get her. By hook or by crook. - Randalf Villegas [WARNING: Mature Content] (R-18) Read at your o...